Archive for April, 2005

Top Ten Hirit para mapilitan akong mag-gym

Saturday, April 30th, 2005

Top ten hirit para mainis ang isang matabang tao at mapilitang mag-gym

1) Kung may chicken legs, pare, ikaw ang may turkey legs…
2) Anong vital statistics ng hita mo?
3) Gaano katagal bago matapos umaalon ang bilbil mo?
4) Wow! Aba ang abs mo ha may pandesal! Isa lang, kasing laki pa ng Jumbo Siopao!
5) Bakit mas malaki ang braso mo sa sleeves ng shirt mo?
6) Ang cute mo mag-wave ng byebye, talagang may "wave" ang braso
7) Next time na magdive ka sa dagat, magpasabi ka muna ha? Baka maulit yung tsunami
8) Marunong kang magyoga? Ang galing eh, napagkasya mo sarili mo sa size 30 na pantalon
9) Kaya pala payat ang kapatid mo, puro tira mo na lang ang nakakain
10) Pwede kang gumanap na chipmunk sa Discovery Channel, laging puno ang bibig mo

Kick Boxing Tayo

Friday, April 29th, 2005

Masarap ang bago kong trip sa buhay ang Kick boxing. Ano kamo? Kickboxing? oo mga tsong at tsang, ako ay na-enganyo sa kickboxing. Nagkaroon kasi ng fitness class yung gym namin sa podium deck. May aikido, boxing, pilates, tae-bo, aerobics, etc. Pero isa lang ang nakakuha ng attention ko. Kickboxing!

Ano bang kailangan para makapaglaro ng sport na ito? Actually simple lang, kailangan mo ng saplot sa katawan (pangit naman siguro kung maglalaro ka ng naka-hubad), disiplina, at syempre sparring partner. Ang nagustuhan ko sa kanya, combination siya ng suntok, sipa, at balibag (aba hadoken na lang, street fighter na). Plus hindi lang siya bara-barang sport, may disiplina dapat mula sa galaw hanggang sa stance mo.

Medyo late nga lang ang class. 8:00 pag tuesdays at 8:30 pag Thursdays naman. Naisip ko na rin mag-enroll sa gym, para kung maghintay man nag-threadmill na ko or buhat na lang. Excited na ko for my first class! Oo nga pala, bumili na rin ako ng boxing glove (sabi ko sa inyo eh karirin ko ito).

Teka bakit ko nga pala pinili ito? Feeling ko kasi mas mainam ito kesa boxing kasi pati paa mo gagamitin mo sa laban. At mas madami pang technique dito kesa sa boxing.

Pero ang gusto ko dito, masarap siyang stress reliever. Isipin mo lang lahat ng ka-badtripan mo tuwing lalaro ka nito, at sulit na sulit ka na. Tipong kulang na lang magsuper-saiyan ka pag sususntok ka.

Tagaktak na naman ang pawis ko nito. Panoorin ko nga ang Ong-bak at baka may matutunan akong trick.

Another thing, from what I’ve heard, halos puro girls ang kasama ko dito. Paano kaya ako susuntok ng girl? ehehehhehe

Sana Tuesday na!!!! Gusto ko ng sumuntok!!!

The last Command

Thursday, April 28th, 2005

I woke up every Sunday morning at around 530 am. I did my daily morning rituals (bath, brush, scream, etc.). I opened my closet and fold my upper garment then stuff it into my bag. Then I iron my rock hard starched hanky ( Believe me you don’t want to be slappped with this). I put on my camo pants and polished boots(I’m proud of these boots because you can use them as mirror as they are really shiny). Then I grab my pants and sword before off I go to our humble HQ at UP Vanguard.

Usually, I always arrive ahead of the others. I put on my upper garment and sword(one of my prized stuff in college). I suit up making sure I look snappy when I face my cadets. Lastly, I wore my red beret, the symbol of my mighty batallion marked on its left corner. I then closed my eyes and pray that I’ll make it through the day with less punishments on my troops and hope they will learn something from me.

We were done with our uniform inspection. I ask our guidon bearer to go on ahead and form the company. As I see our red flag wave with each step its bearer made, It always give me a proud feeling of another good day in the training field.

This will be my last day as the Company Commander.  I can’t believe that after two years of hard training, I’ll be leaving the first family I had in UP. I decided I need to pursue and concentrate on my academes. It was a hard but worthy. I was depressed but I just said to myself, this will not be the end but a start of a new life.

I then marched on. I drew my sword and called the attention of my troops. I smiled and cheered "We are the battery, we are the best…"

Ronnel Go
Acting Alpha Battery Commander
University of the Philippines Diliman Corps of Cadets

Video game Addict

Tuesday, April 26th, 2005

Smbhqdesign2Ako na ata ang taong pinaka - addict sa Video Games. Kung may rehab para sa video game addict, malamang parokyano na ko. Naging bahagi na ng buhay ko si Mario, Zelda, Mappy, arkanoid, etc. Mula sa Atari hanggang sa Playstation 2, lahat napagdaanan ko na. Nakita ko kung paano na-develop ang mga laro,  simula sa pagiging flat sprites/block of cubes hanggang sa realistic human type na ang character.

Paano nga ba ako nagsimulang ma-addict?

Siguro yung pinakaunang naalala kong humawak ng joystick ay noong may atari ang pinsan ko. Tanda ko pa ngang di ako makaalis sa pwesto at sobrang tutok ako sa screen. Aliw na aliw habang naglalaro ng boxing, cops and robbers, 3 little pigs, pac-man. Iyak pa nga ata ako nung paalis na kami at sobrang atungalako sa nanay ko.  Atari pa lang yun.

Naging biktima din ako ng mga pa-rentahan ng Family computer sa kapit bahay. Naalala ko nun P5 lang kada oras ang laro. Tapos ang dami mong fans sa labas, mga batang naaliw din sa family computer. Feeling ko ako ang bida kasi lahat sila nanood sa kin. Kaso kabuset kapag natatalo ka kasi  hihiritan ka ng "Tanga mo naman!" o kaya "Madali na lang yan". Lalo pang nakakainis kung malapit mo na matapos yung laro at bigla kang mag-timeout. Buset  na bantay yun , biglang hatakin ang adapter at sayang ang pinagpaguran mo ng isang oras.

Well, ngayon may playstation, NES, SNES, playstation 2 na ko. Mayaman na ko sa mga CD at bala ng video games sa bahay. Nung sobrang addict pa ko, di ako natutulog pag may tinatapos akong laro. Lalo na kung RPG (Lintek na squaresoft, sobrang haba ng storyline). 

Grabe, tinatawanan ko na lang ang sarili ko pag naalala ko kung gaano ako kaadict…

Base sa personal na karanasan, ito ang ilan sa symptoms kung addict ka talaga sa Video games:

1) Habang nag-aaral ng piano, ginagawa mong imaginary monsters ang piano keys at ikaw ay sumisigaw ng "tu tu tu tu"

2) Pilit mong sinasabing biglang lake ako pag kumain ako ng kabute.

3) Kung ala kang pera, pilit mong inuuntog ang kisame kasi baka may coins

4) Pag nakakita ka ng pinto, nag-iingat kang buksan ito kasi baka bigla na lang tangayin yung nasa kabilang bahagi.
5) Ang tingin mo sa pala kapag kinuha mo, magiging bakal ang bahay mo
6) Nagtatalon-talon ka sa mga puno na feeling mo isa kang ninja

7) Ayaw mo umakyat ng mga hagdanan dahil feeling mo may bariles binabato ng isang malaking unggoy.
8) Kapag naglalakad ka sa mga eskinita, tinitignan mo kung baka sa susunod na paliko ay may bombang sasabog.

9) Ayaw mo lumusot sa mga tubo at baka kagatin ka ng isang halamang may pangil

Last but not the least:
10) Kapag napadaan ka ng coastal road na walang traffic, umaasa kang lilipad si superman at bigyan ka ng bonus

Quotes for the day?

Sunday, April 24th, 2005

MessageMarami nagtatanong sa kin, "Saan mo nakukuha yung mga status messages mo sa YM?" o kaya "ano na namang kagaguhan yang nilalagay mo sa YM mo?". Kasi naman ang status message ko laging quote of the day.

Eh ano nga ba ang kakaiba sa aking quote of the day? Kasi nga di ko kinukuha sa libro. It came from speeches and discussion among common people (ka-barkada, tambay sa kanto, ka-officemate). You may also notice that it usually came from my officemates. Whenever I hear something funny ( at masarap pang-asar sa kanila), I make a point that it will ring in my mind and put it in my status message.

Once I had this status message that came from Emily T (My orgmate and officemate). Suddenly, my pc became full of IM from my former college and office mates. They kept on telling "Si E**** yan no?" and  " Siyang-siya nga!!!"  then a usual happy face or "hehehehehehe" would follow. I love to see how people would react to my "out-of-this-world" quotations.

What could be quote for tomorrow? Ay baket? Di ko sasabihin no! Watch out na lang!

By the way, here are some of my previous status messages:

1) "Oh my God, how rocky naman the shore… Emily T"
2) "Siya ba yung … Parang nakita ko na ito sa panaginip… Hebs"
3) "May webcam naman eh … Brixter"
4) "This is the last straw … Share tayo? … Mama sa may gotohan"
5) "Sino dito ang Zatsun (Sat-sun) people? … Emily T"
6) "Next time ha. alamin ang pinagkaiba ng Holen sa Bowling … trash talk sa may bowling center"
7) "Mommmmmyyyy daaah besssssst … Former eater kina Mami"
8) "Sabi ko 45 minutes hindi 4-5 minutes … Hebs"
9) "Ang hapdi pala pag dinalaan mo ang sizzling plate … Mamang lasing"
10) "Aba ba’t kayu namamakyo … mamang naiinis habang nakabisikleta"

The Graduation

Saturday, April 23rd, 2005

April 23, 2005 - Graduation day ni Adrianong Hitad ngayon. Mula sa may munisipyo ng pasig, derecho ako papuntang west ave. para sa handaan ni Adriano. Naalala ko tuloy yung hirit ko sa kanya nung first sem na "Pare, gusto ko pagdating ng graduation ng April 2005 may panonoorin akong gagraduate tsaka manlilibre".

Pagsakay ko sa MRT biglang tumawag si Adriano at nagtatanong kung nasaan na ko. Nalaman ko na ako palang ang bisita niya at wala ang ibang GEEKS. Langya, todo tawag tuloy ako sa iba. Yung iba unreachable, yung iba di natuloy. In short, nag-iisa lang akong GEEK na pumunta sa blow-out ni Adriano.

Kasama ni Adriano ang buong angkan ng mga Lauron. Nandun ang iba’t - ibang henerasyon, mula sa lola hanggang sa mga pamangkin, apo sa tuhod. Nandun din syempre ang gelpren niyang si Aya. Syempre, buffet ang kainan kaya solve solve kami.

Asaran, kwentuhan, hiritan, gaguhan, etc. ang ginawa namin. Pati planong Galera sa Mayo sinama ko na. Ang sarap makipaggaguhan uli sa isang kaibigang ngayon mo lang uli nakita. Syet, sana kumpleto kami para mas masaya. Dumating nga pala si Pol pero sandali lang din siya kasi nga attend pa siya ng graduation ng gelpren niya.

Oo nga pala, nasaan si Markito? Di yun aabsent pagdating sa ganung mga lakad. Numero uno ang attendance nun pag nalaman niyang labas ng mga Geeks yun. Tinatawagan ko nga kaso patay naman ang phone. Langya, ano kayang nangyari.

Siguro di na siya darating. Kaya nung natapos na lahat kumain, nagbayad na ang mom ni Adrianong hitad at sinabing alis na kami. Patayo na kami nang isa atang himala at dumating si MArkito! Pungay pa nga ng mata at parang pagod na pagod. Tawanan talaga kami kasi sakto ang pagdating niya. Ibang klase talaga.

So kwento siya kung bakit ang tagal niya. Ala-una daw siya nagising at nasa Cabalen daw siya nagpunta. Anak ng pating, CABALEN ang pinuntahan niya at hindi Kamayan. Sobrang layo naman ata ng salitang Cabalen sa Kamayan. Buti na lang at saktong nareceive ni Markito ang text ni Adriano at derecho siya sa Cabalen.

Nakakatawa lalo kasi ala ng laman ang mga buffet ng Kamayan nung dumating siya. No choice kaya nag-serve na lang ng food para sa kanya. Aba, binigyan ng isang bandehadong pagkain (lechon, pansit, kanin, leche flan). Pwede ata sa 3 tao yun eh. Akala siguro, dahil sa pagkalaking tao, eh kayang ubusin lahat yun. So lamon si markito, sinubukang maubos, pero hindi kinaya. Kakatawa lalo kasi siya na lang yung natirang kumakain. Sabi nga namin, "Pare, ang sama ng tingin sa iyo ng mga waiter, pinag-oovertime mo sila eh". Tawa lang kami ng tawa habang pilit na inuubos ni Markito ang kanyang pagkain.

Next stop namin sa Gateway, pero mamaya ko na kwento yun …

Congratulations Adrianong Hitad! Sa wakas graduate ka na rin. eheheheeh

Palakasan?

Thursday, April 21st, 2005

Share ko lang sa inyo itong kwento ko dito sa trabaho:

May tinatapos kasi akong program dito sa work. Yung program na yun dependent sa file na provided ng vendor namin na itago na lang natin sa pangalang *toot*. Regularly nag-send sa kin ng file yun araw-araw para ma-proseso. Kaso yung ibinato niya ngayon may problema. Distorted ang laman nung file. Natural, di siya tatanggapin nung program ko.

Gawa ako ngayon ng email. Nilagay ko pa dun "Please re-send the file from your server. Download it using a correct config in your FTP"(naka naman english). Sabi ko may mali kasi dun sa pag-retrieve ng file.

Sumagot naman siya. "There is nothing wrong with what I sent . I’ve been using the same method in Phase I". Syempre, di ako maniniwala kasi sa attachment palang, pagbukas mo, problemado na talaga.  Gawa ulit ako ng email,  reply sana ako para gisahin na siya kaso mula sa kawalan, naisipan kong tawagan yung PM namin.

Sinabi ko kay PM yung problem. Nagdiscuss naman kami. Habang nag-uusap kami, nabanggit niya na medyo ingat daw ako sa mga email ko at discussion ko kay *toot*. Syempre, natanong ko "ay baket?". Sabi niya, nagsusumbong daw yun sa tatay niya. Aba, nasa loob ko naman "Mama’s boy amp". Pero huwag ka, ito malupit dyan. Si dear papa pala ay isang malapit na kaibigan ng CEO namin. Sabi niya pa, nagsusumbong si dear Papa kay CEO pag may kaunting problema/napagalitan  si *toot*. Tapos si CEO, email yung nakaaway ni *toot* na parang next time hwag na ulitin yun.

Napa-"huwat" tuloy ako bigla.  Ano ba yan, di ba siya marunong tumanggap ng mali? Napaka-papa’s boy naman niya na hindi marunong humarap sa problema. At ito pa, ampanget nun kasi hindi siya makakapag-improve sa ginagawa niya. Laging si dear Papa ang sumasagot sa problema niya. Mas lalong nakakahiya kasi si CEO, since close sila, pagagalitan niya yung nagbibigay lang ng opinion or criticism sa ginawa ni *toot*. Di ba nila kayang ihiwalay ang personal sa trabaho.

I feel sorry for *toot*. Dinadaan niya sa "special powers" ang trabaho niya. Kung ako sa kaniya, kung hindi niya kayang tumanggap ng mali, hwag na siyang magtrabaho dito. Sana di ko na siya uli makatrabaho kasi iinit lang lagi ang dugo ko.

Kakainis … Tsk tsk…

Direction in life

Tuesday, April 19th, 2005

When I was in college, I have so many ideals in my life. It is full of enthusiasm, dreams and plans for life after college.  I picture my success after 5 years, and I even amazed myself  on these dreams. From that point, I made a promise. A promise that these dreams will become reality. A promise that I will stick to that plan I made right before I graduated.

Two years has passed. Again I checked my status. I noticed a BIG diversion of what I am now, to what I was supposed to be. I then asked myself "WHY?" and reflected on my actions. What went wrong? What should I do?  Where was I supposed to be?

I continue to backtrack my path and remembered the cross-roads. Those cross-roads where I have to make big decisions. Poor decisions… it sucked.  Decisions that I should have considered and thought before I made. I realize the words  "What if?"  right now.

Damn… (to be continued)