Video game Addict
Ako na ata ang taong pinaka - addict sa Video Games. Kung may rehab para sa video game addict, malamang parokyano na ko. Naging bahagi na ng buhay ko si Mario, Zelda, Mappy, arkanoid, etc. Mula sa Atari hanggang sa Playstation 2, lahat napagdaanan ko na. Nakita ko kung paano na-develop ang mga laro, simula sa pagiging flat sprites/block of cubes hanggang sa realistic human type na ang character.
Paano nga ba ako nagsimulang ma-addict?
Siguro yung pinakaunang naalala kong humawak ng joystick ay noong may atari ang pinsan ko. Tanda ko pa ngang di ako makaalis sa pwesto at sobrang tutok ako sa screen. Aliw na aliw habang naglalaro ng boxing, cops and robbers, 3 little pigs, pac-man. Iyak pa nga ata ako nung paalis na kami at sobrang atungalako sa nanay ko. Atari pa lang yun.
Naging biktima din ako ng mga pa-rentahan ng Family computer sa kapit bahay. Naalala ko nun P5 lang kada oras ang laro. Tapos ang dami mong fans sa labas, mga batang naaliw din sa family computer. Feeling ko ako ang bida kasi lahat sila nanood sa kin. Kaso kabuset kapag natatalo ka kasi hihiritan ka ng "Tanga mo naman!" o kaya "Madali na lang yan". Lalo pang nakakainis kung malapit mo na matapos yung laro at bigla kang mag-timeout. Buset na bantay yun , biglang hatakin ang adapter at sayang ang pinagpaguran mo ng isang oras.
Well, ngayon may playstation, NES, SNES, playstation 2 na ko. Mayaman na ko sa mga CD at bala ng video games sa bahay. Nung sobrang addict pa ko, di ako natutulog pag may tinatapos akong laro. Lalo na kung RPG (Lintek na squaresoft, sobrang haba ng storyline).
Grabe, tinatawanan ko na lang ang sarili ko pag naalala ko kung gaano ako kaadict…
Base sa personal na karanasan, ito ang ilan sa symptoms kung addict ka talaga sa Video games:
1) Habang nag-aaral ng piano, ginagawa mong imaginary monsters ang piano keys at ikaw ay sumisigaw ng "tu tu tu tu"
2) Pilit mong sinasabing biglang lake ako pag kumain ako ng kabute.
3) Kung ala kang pera, pilit mong inuuntog ang kisame kasi baka may coins
4) Pag nakakita ka ng pinto, nag-iingat kang buksan ito kasi baka bigla na lang tangayin yung nasa kabilang bahagi.
5) Ang tingin mo sa pala kapag kinuha mo, magiging bakal ang bahay mo
6) Nagtatalon-talon ka sa mga puno na feeling mo isa kang ninja
7) Ayaw mo umakyat ng mga hagdanan dahil feeling mo may bariles binabato ng isang malaking unggoy.
Kapag naglalakad ka sa mga eskinita, tinitignan mo kung baka sa susunod na paliko ay may bombang sasabog.
9) Ayaw mo lumusot sa mga tubo at baka kagatin ka ng isang halamang may pangil
Last but not the least:
10) Kapag napadaan ka ng coastal road na walang traffic, umaasa kang lilipad si superman at bigyan ka ng bonus