Archive for May, 2005

Totally drained

Tuesday, May 31st, 2005

uI learned something valuable last night. "Never do basketball and boxing at the same night".

I played basketball with my officemates last night in Guadalupe. I had my usual warm-ups and stretching prior to the game. After that, I had my regular kickboxing class. I’m stressed out from my job so I really put some extra forces on my punches. It literally zapped my energy to the danger level. Then it came to the point that my eyes are already shutting down. I feel my muscles trembled and my arms getting numb. I started seeing black dots (I wished they were sagos). This is a bad sign. I wondered if I will reach home in one piece. Then paranoia crept in. "Will I collapse along the way?"

I guess, I overdid it . Now my arms are sore and I can’t walk straight. Darn it. Maybe I should take a leave. But I’m already in the office and I have a bundle of work to accomplish.

Ala lang share ko lang… Baka may makaunawa at damayan ako… ehehehehehe

Ouch…

Bowling: #1 kami!

Sunday, May 29th, 2005

Congratulations sa globe gizmo class C bowling team for making it to the semi-finals ! After a month of bowling games, nakapasok din tayo sa final 4 sa ating bracket. To top this, ang ganda talaga ng laro natin last time, biruin mo laging sa last frame nagkakatalo. Exciting match against MyGlobeTracker. Doon mo naranasan ang magdasal na sana huwag maka-strike o kaya kumanal ang kalaban mo kasi sobrang dikit. Olats nga lang ang first game natin kasi tinambakan tayo ng kalaban (90+) ang lamang.

Anyway, bilib na bilib talaga ko sa team natin. Let’s hope for the best at sana maging champion tayo ngayon. (aba ang alamat na si Sir Danni (financier/team captain/yaya) ang aming official mascot)

Team Gizmo Class C (2005):

1) Danni - alamat to!!! wow!!!
2) Maris - isa pang alamat!!! astig!!!
3) Jay
4) Romel V
5) Paolo - bida ng last game
6) Ronnel
7) Doni
8) Hebs
9) Padee
10) Alan G

Happy days are here again!

The heat of summer

Saturday, May 28th, 2005

Ang init! Sobrang init na ito! Dulot ng El Nino, sobrang taas ng temperature sa buong Pilipinas. Imagine, 2 beses kumagat ng 39 C ang init dito. Walang kapatawaran.

Umuulan-ulan na nga ngayon kaya medyo swerte.

Malas lang pagkatapos kasi sobrang init uli. Yung singaw mula sa lupa plus yung taas ng humidity ang lalong nagpapainit. Parang pugon!!

Yun lang, init eh!

Batch ‘81

Wednesday, May 25th, 2005

Just watched Batch ‘81 last night. Isa lang ang masasabi ko, ASTIG! Ang galing ng pagkakagawa. Sabihin na nating isa siyang Pinoy film at 1980’s pa ginawa pero ang impact at storyline niya mabigat. Hindi ko lang sigurado kung sino yung director pero lead star nito si Mark Gil. Kwento ito ni Lucero, isang college student na sumali sa Alpha Kappa Omega fraternity. Pinakita ang
proseso ng kanilang pag-anib, ang pag-trip sa kanila ng kanilang masters, pressure sa personal na buhay, rambol at alitan sa kalabang frat hanggang sa maging master si Lucero.

Napakaganda ng pagkaganap ng mga tauhan dito. Napakalinaw at lakas ng  dating ng kwento. Talagang mararamdaman mo ang hirap na dinadaanan ng isang neophyte bago siya maging isang miyembro. Di mo tuloy maiwasang isipin kung ganito pa ba ang nangyayari sa frat. Oo nga pala, kasama sa kwento ang mga casualty sa isang frat, 2 batchmates ni Lucero ang napatay. Isa sa mga realidad noon na hindi ko naman masabing wala na ngayon.

Mahusay ang ganitong mga uri ng pelikula. Simple pero magaling. Sana may makaisip at ipagpatuloy ang mga ganitong pelikula. Tama na ang drama at love story, oras na para buhayin muli ang tunay na obra maestra sa pinilakang tabing.

… Hindi ako fan ng pelikulang pinoy pero nakakapanibago kung  mapapanood mo ito (dito nag-astang bakla si Mark Gil, di bagay!)…

Ala lang

Walang Kwentang Tula

Wednesday, May 25th, 2005

Isakay mo ang isipan sa ulap
Alisin ang bagabag sa puso
Maglayag papunta sa kawalan

Ibalik ang sarili sa pagkabata
Alisin ang bagabag at problema
Lumaya ka sa katotohanan

Ilantad ang maharlikang pakpak
Ipagaspas ang hanging Habagat
Tumakas sa rurok ng kalungkutan

Nawa’y may makarinig ng deliryo
At pakinggan ang hinaing ko
Kalayaan, aabutin kita sa palad ko

Mga Kakahiya Moments

Thursday, May 19th, 2005

Alam niyo ba yung feeling na maalala mo yung mga nakakahiyang bagay na nagawa mo? Yung parang di mo malaman kung maiinis ka o matatawa? Oo, kasi may 10 nakakahiyang bagay na nagawa ko na talagang nakakatawa pag naalala ko. May pagka-absent minded din kasi ako minsan kaya di ko maiwasan ang mga kapalpakan na ito. oi ha, share ko lang to, pwede niyo gayahin tapos sabihin niyo sa kin ang feeling:

1) Nung 4th yr. HS pagkatapos nung ginawa naming presentation sa book week. Magbibihis na sana kami nun pero naalala ko yung gamit ko naiwan ko sa room namin sa 4th floor. sinubukan ko buksan yung pinto, kaso naka-lock. Sakto may bintana sa itaas ng room namin, eh di talon naman ako para sumilip. Anak ng … doon nga pala nagbibihis yung mga classmates naming babae. Natulala ko nun buong araw.

2) Kindergarten, first day ko sa school. Di ako sanay na iiwan ng yaya ko. Nung labasan na aba, ala pa yaya ko. Biglang akyat ako sa gate ng school namin at atungal akong parang namatayan ng nanay. nagwawala talaga ko nun.

3) Freshie ako sa UP. Tapos na ko mag-register nun at nakapagbayad na ko. Eh di sabay layas ako. Pagdating ko sa orientation, kailangan pala nung form 5. Sabi ko iniwan ko dun sa bayaran. Eh di sakay agad ako ng jeep pabalik. Pagdating ko dun naka-paskel sa counter yung form 5 ko.

4) Orientation ng mga freshmen sa ROTC. Nagdemo kami ng bayonet drills. Pucha, eh di angas namin! Todo snappiness ang ginagawa ko. Doon sa isang drill , natapakan ko yung gutter. Eh di nadulas ako. Tawanan yung mga freshies. Napagalitan pa ko ng OIC namin.

5) Midterm Exam sa Hum I, 7 am ang simula. Nagising ako ng 7 am.  Hanap ako agad ng taxi. Pinaharurot ko papuntang UP. Sakto, 8 am dumating ako sa room. Tagaktak ang pawis at gulong-gulo. Kinausap ko yung prof ko buti na lang pinag-exam ako kahit 30 minutes na lang.

6) IT cadetship namin nun. Kasabay ko yung 2 kasama ko sasakay sa elevator pataas. Nag-uusap kami habang pabukas yung pinto ng elevator. Pasok ako sa loob. Pansin ko, hindi pumasok yung 2 kong kasama, nakangisi pa. Nakita ko pababa pala. Huli na, palabas na ko ng biglang sumara yung pinto.

7) Pauwi na galing sa opisina. Nakasakay ako sa FX. May katabi ako, magandang girlet. Medyo malayo ang byahe, kaya nakatulog. Eh di dahan-dahang sumandal sa balikat ko. Sabi ko "Orayt!". Kaso humihilik! Ibang klase! Kaso may dating eh kaya di ko pinansin. Nauna ko bumaba sa kanya. Pagtingin ko sa balikat ko, basa! Basa ng Laway! anak ng… tulo laway amp.

8) Grade one ako nun. Recess namin. May sipon ako nun. Eh di nakikipag-usap ako sa mga classmates ko. habang kumakain ng sandwich, biglang nangati ang ilong ko. Bigla akong nabahing. Pagdilat ko, yung mukha ng kasama ko nagmukhang kaning baboy. Umiyak tapos nagsumbong sa ate na nanabunot at kumurot sa kin.

9) Last training day ng ROTC namin. Parada in short. Ang aga ko dumating sa office namin. Nagbibihis na kami nung malaman kong butas ang pantalon ko. As in wakwak! Eh di hanap ako agad ng remedyo. Ang init na ng ulo ko nun. Buti na lang may ka-brod akong naawa at nagvolunteer ipatahi yung pantalon ko. Dumating yung pantalon ko one hour matapos mag-formation sa may sunken garden. Anak ng pating talaga.

10) UP Graduation. Linggo. Naka-duty kami as ushers. May partner akong sponsor nun. Kaso may tradition sa UP na tuwing graduation uulan. At hindi nga nasira yung tradition na yun. Umulan ng sobrang lakas. Yung pwesto namin malayo sa grand stand. Priority ko yung sponsor syempre kaya hinanapan ko ng masisilungan. Kaso puno na lahat. Pinasukob ko na lang sa ilalim ng puno ng anahaw ata yun. naawa ako sa kaniya kasi parang basang sisiw at lusaw ang make-up. Grabe, ang lakas lakas ng ulan pati ako basang-basa na. Bantayan ko pa yung sponsor na yun kasi nga nababasa na rin. Nung tumila ang ulan, escort ko na pabalik ng grand stand.

grabe no? tinatawanan ko na lang talaga tuwing naalala ko ang mga ito. Ika nga, it’s a part of life.

Ang Application Sa Globe

Wednesday, May 18th, 2005

I never expected that I will join Globe 2 years ago. I think if you had the following experience in a job application, you will feel lucky that you were accepted in this company.

First Wave:

Back in UP, I think it was a lazy Wednesday afternoon, I heard that there will be a career talk in Eng’g. It was Globe and ADTX. I was interested with ADTX since my classmate told me that they will train you how to use Open Source Apps in creating major system. I also like Globe, although I’m
not sure what will be my job there. By the way, I was just wearing a casual white shirt, tsinelas and shorts when I went to the career talk. Guess what? When I arrived, it was already too late. They were already wrapping up their talk. I just passed my Resume then proceeded with the next talk. Too Bad, I was not aware of what I was applying then.

Second Wave:

Well, HR from Globe told me that I was scheduled for an exam. I had no idea where was their main office and all I can remember that it is in Mandaluyong. Then I asked my friend Harold, if he has any idea where it is since he is living in San Juan. Just my luck, he was not familiar but he tried to give me some direction. I followed it and ended up by going down the Shaw MRT station. Since I never been there, I continued to walk the shaw boulevard. Then I had this great feeling that I made a big booboo. I think I’m lost!!! It was around 7:50, the exam was at 8:00 am and still no Globe. I asked a tricycle driver and he said it is far from here. He pointed out an orange building, that is Globe. I want to scream from that moment on because I was already late. I just rode the trike to Globe telecom Plaza I.

Third Wave

My experience of bad luck didn’t stop from there. I arrived in Globe at around 8:15. They were already starting the exam and good thing, they still allowed me to take it. I was filling down the sheet when I read on a specific question. It was "Position Applying For:". I didn’t know what
it was, I just wrote "Engineer Cadet". I was sure it was wrong but I remembered, there was a "cadet" on that position. Good thing the HR asked "Who’s applying here for IT Cadetship"? Then I changed what I wrote down.

Geez, those were the worst experience I had when I applied to my current job. I know they were mere minor problems. At least I scored the job, right?

Galera Galore

Sunday, May 15th, 2005

Cimg0945_2Astig ang weekend ko ngayon. Nagbakasyon kami sa Puerto Galera kasama ang aking mga batchmates nung HS. Isang linggong pagplano, pag-iyak, pagtawa, etc. at sa wakas natuloy din. Kasama ko sina Ain, Cai(gelpren ni Ain), Linus, Paul, Neil at Rodyn. Hmmm paano ko ba simulan ang kwento? Sige ganito na lang:

April 14, 2005
Venue: Manila (sa may JAM bus station sa Gil Puyat)

Nagmeet-up muna kami nina Rodyn at Ain sa may 7-11 Quezon Ave. Hulaan niyo kung anong oras?
2:30 am! anak ng tipaklong, sobrang excited kasi kaya 230 am ang meeting time. Akala ko kasi ala pang bahay na nakuha kaya inagahan ko ang meeting time. Pagdating ko dun nalaman kong may nakuha na pala si Cai. Akala ko sa may white beach din yun pero pagkasabi niya ay Mulle. I had a bad feeling about this. Umalis kami ng manila at around 3:30 am. Sina Neil, Paul at  Linus, habol na lang pala, dating siguro sila after lunch

Venue: Batangas Pier/Blue Phoenix

Kwento ko yung sa bus, may 2 bading na nag-chu..vahan sa may likod. Ang ingay-ingay! bad trip talaga. Parang may sariling mundo sa loob ng bus. Nakarating kami sa PIer ng mga 5:30 am (ibang klase talaga, pers taym!). Iba kasi ang venue namin kaya naghanap kami ng masasakyang bangka. Isa lang ang trip papuntang mulle noon, at  biglang gusto kong himatayin. 8:30 PA ANG NEXT TRIP NG BANGKA!!! O di ba ang saya-saya? Kuha kami ng ticket sabay kwentuhan sa may waiting area. Natatawa ako kay ROdyn, parang si Hebs na halatang ambilis ng mata sa chicks(sorry rodyn, pero kailangang ibulgar na lahat ito).

8:30 ng nakasakay kami sa bangka at panay ang tapon ng piso para sa mga maninisid na Badjao. May naka-tsika pa kong businessman na may pwesto sa may white beach. Nagtanong ako kung  gaano ba kalayo ang white beach mula sa Mulle. Sinabi niya 10-15 minutes lang daw ang layo. Take note, sumaya ako nung malaman kong ganun lang pala kalapit. Nagtanong pa ko ano ba ang magandang business dun, pinagkaiba ng resort, mahilig ba siyang pumulot ng sabon etc. Ang biyahe pala namin ay tumagal ng 1 hour 10 mins.

Venue: Mulle

Dito sa Mulle kami nakakakuha ng bahay (salamat Cai! you the bomb). Sinalubong kami ni Uncle Alex. Sobrang bait niya at accomodating(hint hint sa gustong mag-adventure trip sa Galera). Ang tinitahan nga pala namin ay isang makalumang bahay(yung mga napapanood niyo sa pelikulang rizal, etc.). Ayos ang service (pagkain, tulugan, gamit, etc.) Balak pa nga kaming i-tour around galera. Plus ipagluluto kami ng lunch! Pusit agad ang isinalang at  syempre galak na galak kami

Venue: Balete beach

Tip niya, maligo muna kami sa may balete beach. Dun lang yun sa may kanto. Akala nga namin sobrang layo, lapit lang pala talaga. Lusong kami at anak ng tinapa, sobrang dumi! Yucky ang tubig kasi maputik. Alam niyo ba yung sea weeds? Mukha siyang damong may nahalong jebs. Opo mga kaibigan! may parang jebs na nakakapit dun sa sea weed. Alang gaanong activity dito, kungdi yung sand sculpture ni Rodyn na hinalay din niya at yung picture-picture na feeling mga models

Venue: White Beach

One cool party zone talaga ang white beach. Sinundo ko na sina Neil, Paul at Linus nung papunta kaming white beach. Takaw sa mata talaga ang sight dito. Girls in two piece strolling along the beach, volleyball, banana boat, etc. Astig talaga. Kaso sobrang layo sa amin, 15 mins. away at hwag ka, P30 ang tricycle fee!!! Taga talaga pare. Yun nga palang daan papunta dun, pwede mo na ring sabihing pumunta ka ng baguio. Sobrang kurbada! Zig-zag to the max! Yung mga driver hayup din magpatakbo, mga halimaw sa bilis! Pwedeng pwedeng rally cross

Anyway, balik tayo sa white beach. Nagswimming kami, ginawan ng mahalay na sand sculpture si Linus, nagpiktyuran sa sunset at nagparty. Bumalik pala kami dito nung gabi para gumimik. Medyo na-bad trip ako nun kasi nga napapagod na ko kaya alis muna ko at nagsarili. Doon ko napatunayan ang iba’t - ibang epekto ng alcohol sa tao. Paano?

a) May babaeng biglang nag-topless at sumugod sa dagat. Kasama si boypren, nadagdagan ng isa
ang population ng Pinas.
b) 2 hot girls sumusuray sa beach at naghahanap ng refill ng mineral water, 2 am in the morning.
c) Mga lasing na parang gagong humahagikgik pag naalunan. Aba nakakakiliti pala ang dagat.

Venue: Mulle uli

Bumalik kami sa Mulle para matulog pero nasabon kami ng may-ari. ikaw ba naman bulabugin ng  madaling araw kung di ka magalit. Nainis na ko kaya pinatulog ko na mga kasama ko.

6 am ng nagising kami at napag-usapang uwi na by 9 am. Ang upa namin ay umabot lang ng 1500 at naayos din namin ang atraso kay manong. Nakapamili kami ng mga pasalubong at  nakabalik sa Manila ng mga 2 pm(halatang tinatamad na magsulat)

Moral of the story:

a) Malayo ang mulle mula sa whitebeach
b) Kunin si manong kung trip mo ay adventure sa Galera
c) The best kumain sa bangketa
d) Maraming bahay sa may whitebeach

Yun lang, antok na ko eh. BUkas ko na lagay yung iba

Here are a few pictures from our trip there:
Cimg0925

Sand sculpture Pic - (from left to right) Neil, Rodyn, Paul, Linus, Cai, ain

Cimg0903_1
Balete beach - ako at si Rodyn

Cimg0932
Lovely sunset - courtesy of Rodyn

Cimg0959
Beach by the moon light

Cimg0893_2
Ferry ride - ako, cai and ain

Cimg0949
Play time in the water -  Neil, Rodyn, Ain, Cai, Paul, Linus

Cimg0948
Another picture of the sunset with a banana boat

I hope we would have another trip like this. ehehehhee

Jeepney

Wednesday, May 11th, 2005

Hay naku! Sa araw-araw na pagpasok at pag-uwi ko, lagi akong sumasakay ng
jeepney. Medyo badtrip nga lang ngayon kasi yung nasakyan ko ay isang
"masipag" na driver. Daig niya pa ata ang MRT, lahat ng kalye may "station".
Tandang Sora station, Gotesco station, BF station, Diliman station. Ang
dating 20 minutes ride mula bahay hanggang sa MRT, muntik na mag-isang oras.

Naalala ko tuloy yung isang artikulo sa peyups tungkol sa iba’t-ibang uri ng
jeepney driver. Isang astig ng artikulo naglalarawan sa bawat uri. Subukan ko
kung naalala ko pa (kung sino man ang may-akda nun, pasensya na kung
ilalathala ko ang iyong obra maestra sa aking hamak na blog)

Mga uri ng jeepney drivers (base sa mga naalala ko)

1) Ang "relihiyosong driver" - sobrang bilis magpatakbo na parang alang
nakasakay na pasahero. Akala mo ang highway ay isang malaking karerahan.
Tipong mapapadasal, mapapamura ka tuwing siya ay aapak sa preno.

2) Ang "share-a-driver" - malas mo pag ikaw ay nasa harapan nakaupo at
katabi ang species ng driver na ito. Sisimulan niya sa mga simpleng hirit
hanggang ikwento na niya ang buhay niya. Pati lahat ng problema niya alam mo
na. Feeling close na kayo pagbaba mo at sasabihin mo sana may dala akong
panulat para mapadala ko sa Maalala mo kaya ang kwento niya.

3) Ang "MRT driver" - isa sa mga anak ng tipaklong na driver. Lahat ng pwedeng
hintuan, hintuan niya at ang bagal magpatakbo dahil lahat ay potential na
pasahero. Feeling MRT rin ang jeep niya, familiar ba kayo sa "siyaman! siyaman!"?
yung pilit niyang ipagkakasya kayo dahil kulang pa ang tao sa bawat upuan.
Eh paano kung katabi mo mga dabiana? Piaya ata ang labas mo

4) Ang "Homey driver" - malupit ang driver na ito. Todo lakas ang speakers
na daig niya pa ang mga gimikan sa may malate at eastwood. Ok lang sana kaso
ang mga tugtog ay galing kay April Boy o kaya kay Renz Verano. Nasabi ko
rin bang re-mix pa ang mga ito?

5) Ang "Special Child Driver" - siya yung ilang ulit mo na sinabing "1 pong
Delta" pilit niya pa ring tatanungin yung "3 Tandang Sora?". At ito pa, ang sukli
ata may VAT kasi laging kulang. Aba ngayon ko lang ata nalaman na tax collector din
pala ang ilang driver natin.

Hay naku, ano kayang uri ng driver ang makikita ko bukas? Gawa na kaya ako
ng statistics ng mga uri ng driver sa Maynila?

The lost soul

Monday, May 9th, 2005

I’m a lost soul
Forever wandering the world
Looking for answers
To questions I have to bear
Like a never-ending thirst
On knowledge that I have to care

Will somebody tell me
The directions I have to go
the turns I see on each crossroads
For I’m already tired
Wandering through the rugged path
Falling each time I cross

The wounds never heal
The blisters full of pain
I’m so sick of it
I can’t stand no more
I cried return me what I was before

Realization struck me
I have to stand up again
Ignore the pain and anger
For in this world I wander
I’m alone till its all over