Batch ‘81

Just watched Batch ‘81 last night. Isa lang ang masasabi ko, ASTIG! Ang galing ng pagkakagawa. Sabihin na nating isa siyang Pinoy film at 1980’s pa ginawa pero ang impact at storyline niya mabigat. Hindi ko lang sigurado kung sino yung director pero lead star nito si Mark Gil. Kwento ito ni Lucero, isang college student na sumali sa Alpha Kappa Omega fraternity. Pinakita ang
proseso ng kanilang pag-anib, ang pag-trip sa kanila ng kanilang masters, pressure sa personal na buhay, rambol at alitan sa kalabang frat hanggang sa maging master si Lucero.

Napakaganda ng pagkaganap ng mga tauhan dito. Napakalinaw at lakas ng  dating ng kwento. Talagang mararamdaman mo ang hirap na dinadaanan ng isang neophyte bago siya maging isang miyembro. Di mo tuloy maiwasang isipin kung ganito pa ba ang nangyayari sa frat. Oo nga pala, kasama sa kwento ang mga casualty sa isang frat, 2 batchmates ni Lucero ang napatay. Isa sa mga realidad noon na hindi ko naman masabing wala na ngayon.

Mahusay ang ganitong mga uri ng pelikula. Simple pero magaling. Sana may makaisip at ipagpatuloy ang mga ganitong pelikula. Tama na ang drama at love story, oras na para buhayin muli ang tunay na obra maestra sa pinilakang tabing.

… Hindi ako fan ng pelikulang pinoy pero nakakapanibago kung  mapapanood mo ito (dito nag-astang bakla si Mark Gil, di bagay!)…

Ala lang

Leave a Reply