Galera Galore
Astig ang weekend ko ngayon. Nagbakasyon kami sa Puerto Galera kasama ang aking mga batchmates nung HS. Isang linggong pagplano, pag-iyak, pagtawa, etc. at sa wakas natuloy din. Kasama ko sina Ain, Cai(gelpren ni Ain), Linus, Paul, Neil at Rodyn. Hmmm paano ko ba simulan ang kwento? Sige ganito na lang:
April 14, 2005
Venue: Manila (sa may JAM bus station sa Gil Puyat)
Nagmeet-up muna kami nina Rodyn at Ain sa may 7-11 Quezon Ave. Hulaan niyo kung anong oras?
2:30 am! anak ng tipaklong, sobrang excited kasi kaya 230 am ang meeting time. Akala ko kasi ala pang bahay na nakuha kaya inagahan ko ang meeting time. Pagdating ko dun nalaman kong may nakuha na pala si Cai. Akala ko sa may white beach din yun pero pagkasabi niya ay Mulle. I had a bad feeling about this. Umalis kami ng manila at around 3:30 am. Sina Neil, Paul at Linus, habol na lang pala, dating siguro sila after lunch
Venue: Batangas Pier/Blue Phoenix
Kwento ko yung sa bus, may 2 bading na nag-chu..vahan sa may likod. Ang ingay-ingay! bad trip talaga. Parang may sariling mundo sa loob ng bus. Nakarating kami sa PIer ng mga 5:30 am (ibang klase talaga, pers taym!). Iba kasi ang venue namin kaya naghanap kami ng masasakyang bangka. Isa lang ang trip papuntang mulle noon, at biglang gusto kong himatayin. 8:30 PA ANG NEXT TRIP NG BANGKA!!! O di ba ang saya-saya? Kuha kami ng ticket sabay kwentuhan sa may waiting area. Natatawa ako kay ROdyn, parang si Hebs na halatang ambilis ng mata sa chicks(sorry rodyn, pero kailangang ibulgar na lahat ito).
8:30 ng nakasakay kami sa bangka at panay ang tapon ng piso para sa mga maninisid na Badjao. May naka-tsika pa kong businessman na may pwesto sa may white beach. Nagtanong ako kung gaano ba kalayo ang white beach mula sa Mulle. Sinabi niya 10-15 minutes lang daw ang layo. Take note, sumaya ako nung malaman kong ganun lang pala kalapit. Nagtanong pa ko ano ba ang magandang business dun, pinagkaiba ng resort, mahilig ba siyang pumulot ng sabon etc. Ang biyahe pala namin ay tumagal ng 1 hour 10 mins.
Venue: Mulle
Dito sa Mulle kami nakakakuha ng bahay (salamat Cai! you the bomb). Sinalubong kami ni Uncle Alex. Sobrang bait niya at accomodating(hint hint sa gustong mag-adventure trip sa Galera). Ang tinitahan nga pala namin ay isang makalumang bahay(yung mga napapanood niyo sa pelikulang rizal, etc.). Ayos ang service (pagkain, tulugan, gamit, etc.) Balak pa nga kaming i-tour around galera. Plus ipagluluto kami ng lunch! Pusit agad ang isinalang at syempre galak na galak kami
Venue: Balete beach
Tip niya, maligo muna kami sa may balete beach. Dun lang yun sa may kanto. Akala nga namin sobrang layo, lapit lang pala talaga. Lusong kami at anak ng tinapa, sobrang dumi! Yucky ang tubig kasi maputik. Alam niyo ba yung sea weeds? Mukha siyang damong may nahalong jebs. Opo mga kaibigan! may parang jebs na nakakapit dun sa sea weed. Alang gaanong activity dito, kungdi yung sand sculpture ni Rodyn na hinalay din niya at yung picture-picture na feeling mga models
Venue: White Beach
One cool party zone talaga ang white beach. Sinundo ko na sina Neil, Paul at Linus nung papunta kaming white beach. Takaw sa mata talaga ang sight dito. Girls in two piece strolling along the beach, volleyball, banana boat, etc. Astig talaga. Kaso sobrang layo sa amin, 15 mins. away at hwag ka, P30 ang tricycle fee!!! Taga talaga pare. Yun nga palang daan papunta dun, pwede mo na ring sabihing pumunta ka ng baguio. Sobrang kurbada! Zig-zag to the max! Yung mga driver hayup din magpatakbo, mga halimaw sa bilis! Pwedeng pwedeng rally cross
Anyway, balik tayo sa white beach. Nagswimming kami, ginawan ng mahalay na sand sculpture si Linus, nagpiktyuran sa sunset at nagparty. Bumalik pala kami dito nung gabi para gumimik. Medyo na-bad trip ako nun kasi nga napapagod na ko kaya alis muna ko at nagsarili. Doon ko napatunayan ang iba’t - ibang epekto ng alcohol sa tao. Paano?
a) May babaeng biglang nag-topless at sumugod sa dagat. Kasama si boypren, nadagdagan ng isa
ang population ng Pinas.
b) 2 hot girls sumusuray sa beach at naghahanap ng refill ng mineral water, 2 am in the morning.
c) Mga lasing na parang gagong humahagikgik pag naalunan. Aba nakakakiliti pala ang dagat.
Venue: Mulle uli
Bumalik kami sa Mulle para matulog pero nasabon kami ng may-ari. ikaw ba naman bulabugin ng madaling araw kung di ka magalit. Nainis na ko kaya pinatulog ko na mga kasama ko.
6 am ng nagising kami at napag-usapang uwi na by 9 am. Ang upa namin ay umabot lang ng 1500 at naayos din namin ang atraso kay manong. Nakapamili kami ng mga pasalubong at nakabalik sa Manila ng mga 2 pm(halatang tinatamad na magsulat)
Moral of the story:
a) Malayo ang mulle mula sa whitebeach
b) Kunin si manong kung trip mo ay adventure sa Galera
c) The best kumain sa bangketa
d) Maraming bahay sa may whitebeach
Yun lang, antok na ko eh. BUkas ko na lagay yung iba
Here are a few pictures from our trip there:
Sand sculpture Pic - (from left to right) Neil, Rodyn, Paul, Linus, Cai, ain
Balete beach - ako at si Rodyn
Lovely sunset - courtesy of Rodyn
Play time in the water - Neil, Rodyn, Ain, Cai, Paul, Linus
Another picture of the sunset with a banana boat
I hope we would have another trip like this. ehehehhee
May 25th, 2005 at 9:11 am
dude! sana sinabi mo na nalate ka no. 230 usapan. anong oras ka na dumating? 3+ na dude! LATE!!! hahaha!!! kasi naman gigimik na eh gumimik pa muna
saka asan yung pic natin 2? ikinakahiya mo no? ang ganda nun hehehe! saka 730 yung byahe natin, vekla! hahaha! at anong mabilis mata ko? sila ang mabilis dumaan sa harap ko…di ko na nga sila tinitingnan eh
tapos sinarili mo pa yung liveshow tsk tsk tsk Babalik tayo dun dude… tapos kikilalanin ko na yung hot mama(literal) hihihihi ;D