Jeepney
Hay naku! Sa araw-araw na pagpasok at pag-uwi ko, lagi akong sumasakay ng
jeepney. Medyo badtrip nga lang ngayon kasi yung nasakyan ko ay isang
"masipag" na driver. Daig niya pa ata ang MRT, lahat ng kalye may "station".
Tandang Sora station, Gotesco station, BF station, Diliman station. Ang
dating 20 minutes ride mula bahay hanggang sa MRT, muntik na mag-isang oras.
Naalala ko tuloy yung isang artikulo sa peyups tungkol sa iba’t-ibang uri ng
jeepney driver. Isang astig ng artikulo naglalarawan sa bawat uri. Subukan ko
kung naalala ko pa (kung sino man ang may-akda nun, pasensya na kung
ilalathala ko ang iyong obra maestra sa aking hamak na blog)
Mga uri ng jeepney drivers (base sa mga naalala ko)
1) Ang "relihiyosong driver" - sobrang bilis magpatakbo na parang alang
nakasakay na pasahero. Akala mo ang highway ay isang malaking karerahan.
Tipong mapapadasal, mapapamura ka tuwing siya ay aapak sa preno.
2) Ang "share-a-driver" - malas mo pag ikaw ay nasa harapan nakaupo at
katabi ang species ng driver na ito. Sisimulan niya sa mga simpleng hirit
hanggang ikwento na niya ang buhay niya. Pati lahat ng problema niya alam mo
na. Feeling close na kayo pagbaba mo at sasabihin mo sana may dala akong
panulat para mapadala ko sa Maalala mo kaya ang kwento niya.
3) Ang "MRT driver" - isa sa mga anak ng tipaklong na driver. Lahat ng pwedeng
hintuan, hintuan niya at ang bagal magpatakbo dahil lahat ay potential na
pasahero. Feeling MRT rin ang jeep niya, familiar ba kayo sa "siyaman! siyaman!"?
yung pilit niyang ipagkakasya kayo dahil kulang pa ang tao sa bawat upuan.
Eh paano kung katabi mo mga dabiana? Piaya ata ang labas mo
4) Ang "Homey driver" - malupit ang driver na ito. Todo lakas ang speakers
na daig niya pa ang mga gimikan sa may malate at eastwood. Ok lang sana kaso
ang mga tugtog ay galing kay April Boy o kaya kay Renz Verano. Nasabi ko
rin bang re-mix pa ang mga ito?
5) Ang "Special Child Driver" - siya yung ilang ulit mo na sinabing "1 pong
Delta" pilit niya pa ring tatanungin yung "3 Tandang Sora?". At ito pa, ang sukli
ata may VAT kasi laging kulang. Aba ngayon ko lang ata nalaman na tax collector din
pala ang ilang driver natin.
Hay naku, ano kayang uri ng driver ang makikita ko bukas? Gawa na kaya ako
ng statistics ng mga uri ng driver sa Maynila?
May 19th, 2005 at 7:23 pm
hahha laugh-trip.hehhe..onga i agree with that.. yung iba pa ngang mga driver..nagsasalita o nagkukwento pero wala namang kausap..meron pa kanta ng kanta..inis ako sa lahat yung tipong pababa ka plang or paakyat ng jeep, umaandar na kagad..minsan nakakainis din yung malalaking ilaw sa jeep nila..ung mauuntog ka at dedma lang kunwari pero deep inside masakit sa ulo..o kaya magbabayad ka tapos walang mag aabot..grr..heheh..naranasan ko na ngang malaglag sa upuan ng jeep kase sobrang bilis mag patakbo.meron naman parang nasa karo ka ng patay kung kelan nagmamadali ka..ung sa 5.00 nga na bayad..tatanungin ka pa..estudyante ka ba?duh.. di ba halata..may driver na high-blood..nagagalit pag sobra ang pagkatok sa kisame ng jeep para pumara..minsan astig ung jeep nila.may nasakyan ako parang bus sa haba..kelangan ng kundoktor sa loob..na a-amaze ako dun sa maraming salamin sa kisame.. tska pag ayos yun sounds nila..minsan naririnig ko yung joke sa radio, kahit corny natatawa ako mag-isa..hhehe.. naalala ko ng high school pa ko.. kunwari aalis na yung jeep para lang sumakay ka na sa kanya..tapos pag nakabayad ka na, hihinto tas mag aantay ulit ng pasahero..minsan nakalimutan ko ng mag bayad eh dalawa lang kameng psahero nya tapos kakilala nya,hindi na nya pinag bayad.kaya pala ng pababa nako tingin ng tingin ung driver sa ken..tapos inirapan ko pa..hehhe..