Mga Kakahiya Moments
Alam niyo ba yung feeling na maalala mo yung mga nakakahiyang bagay na nagawa mo? Yung parang di mo malaman kung maiinis ka o matatawa? Oo, kasi may 10 nakakahiyang bagay na nagawa ko na talagang nakakatawa pag naalala ko. May pagka-absent minded din kasi ako minsan kaya di ko maiwasan ang mga kapalpakan na ito. oi ha, share ko lang to, pwede niyo gayahin tapos sabihin niyo sa kin ang feeling:
1) Nung 4th yr. HS pagkatapos nung ginawa naming presentation sa book week. Magbibihis na sana kami nun pero naalala ko yung gamit ko naiwan ko sa room namin sa 4th floor. sinubukan ko buksan yung pinto, kaso naka-lock. Sakto may bintana sa itaas ng room namin, eh di talon naman ako para sumilip. Anak ng … doon nga pala nagbibihis yung mga classmates naming babae. Natulala ko nun buong araw.
2) Kindergarten, first day ko sa school. Di ako sanay na iiwan ng yaya ko. Nung labasan na aba, ala pa yaya ko. Biglang akyat ako sa gate ng school namin at atungal akong parang namatayan ng nanay. nagwawala talaga ko nun.
3) Freshie ako sa UP. Tapos na ko mag-register nun at nakapagbayad na ko. Eh di sabay layas ako. Pagdating ko sa orientation, kailangan pala nung form 5. Sabi ko iniwan ko dun sa bayaran. Eh di sakay agad ako ng jeep pabalik. Pagdating ko dun naka-paskel sa counter yung form 5 ko.
4) Orientation ng mga freshmen sa ROTC. Nagdemo kami ng bayonet drills. Pucha, eh di angas namin! Todo snappiness ang ginagawa ko. Doon sa isang drill , natapakan ko yung gutter. Eh di nadulas ako. Tawanan yung mga freshies. Napagalitan pa ko ng OIC namin.
5) Midterm Exam sa Hum I, 7 am ang simula. Nagising ako ng 7 am. Hanap ako agad ng taxi. Pinaharurot ko papuntang UP. Sakto, 8 am dumating ako sa room. Tagaktak ang pawis at gulong-gulo. Kinausap ko yung prof ko buti na lang pinag-exam ako kahit 30 minutes na lang.
6) IT cadetship namin nun. Kasabay ko yung 2 kasama ko sasakay sa elevator pataas. Nag-uusap kami habang pabukas yung pinto ng elevator. Pasok ako sa loob. Pansin ko, hindi pumasok yung 2 kong kasama, nakangisi pa. Nakita ko pababa pala. Huli na, palabas na ko ng biglang sumara yung pinto.
7) Pauwi na galing sa opisina. Nakasakay ako sa FX. May katabi ako, magandang girlet. Medyo malayo ang byahe, kaya nakatulog. Eh di dahan-dahang sumandal sa balikat ko. Sabi ko "Orayt!". Kaso humihilik! Ibang klase! Kaso may dating eh kaya di ko pinansin. Nauna ko bumaba sa kanya. Pagtingin ko sa balikat ko, basa! Basa ng Laway! anak ng… tulo laway amp.
Grade one ako nun. Recess namin. May sipon ako nun. Eh di nakikipag-usap ako sa mga classmates ko. habang kumakain ng sandwich, biglang nangati ang ilong ko. Bigla akong nabahing. Pagdilat ko, yung mukha ng kasama ko nagmukhang kaning baboy. Umiyak tapos nagsumbong sa ate na nanabunot at kumurot sa kin.
9) Last training day ng ROTC namin. Parada in short. Ang aga ko dumating sa office namin. Nagbibihis na kami nung malaman kong butas ang pantalon ko. As in wakwak! Eh di hanap ako agad ng remedyo. Ang init na ng ulo ko nun. Buti na lang may ka-brod akong naawa at nagvolunteer ipatahi yung pantalon ko. Dumating yung pantalon ko one hour matapos mag-formation sa may sunken garden. Anak ng pating talaga.
10) UP Graduation. Linggo. Naka-duty kami as ushers. May partner akong sponsor nun. Kaso may tradition sa UP na tuwing graduation uulan. At hindi nga nasira yung tradition na yun. Umulan ng sobrang lakas. Yung pwesto namin malayo sa grand stand. Priority ko yung sponsor syempre kaya hinanapan ko ng masisilungan. Kaso puno na lahat. Pinasukob ko na lang sa ilalim ng puno ng anahaw ata yun. naawa ako sa kaniya kasi parang basang sisiw at lusaw ang make-up. Grabe, ang lakas lakas ng ulan pati ako basang-basa na. Bantayan ko pa yung sponsor na yun kasi nga nababasa na rin. Nung tumila ang ulan, escort ko na pabalik ng grand stand.
grabe no? tinatawanan ko na lang talaga tuwing naalala ko ang mga ito. Ika nga, it’s a part of life.