Walang Kwentang Tula

Isakay mo ang isipan sa ulap
Alisin ang bagabag sa puso
Maglayag papunta sa kawalan

Ibalik ang sarili sa pagkabata
Alisin ang bagabag at problema
Lumaya ka sa katotohanan

Ilantad ang maharlikang pakpak
Ipagaspas ang hanging Habagat
Tumakas sa rurok ng kalungkutan

Nawa’y may makarinig ng deliryo
At pakinggan ang hinaing ko
Kalayaan, aabutin kita sa palad ko

Leave a Reply