Mundong Gumuho (Payong kaibigan #2)

May mga tao talagang sobra kung magmahal. Yung mga taong ginagawa talaga ang lahat para lang ipakita kung gaano kahalaga sa kanya ang kaniyang irog(naka, irog amp). Dumarating sa puntong iniisip niya na lamang ay puro siya at gumawa ng sariling mundo para sa kanilang 2. Isang mundo binuo "daw" ng pag-ibig at may nalalaman pang "promises" na hindi mawawala hanggang sila ay may pag-ibig.

Kaso may problema, biglang nawala ang kaniyang minamahal. Syempre naiwan siyang mag-isa sa maliit nilang mundo. PIlit niyang tinatawag ang pangalan ni *toot* *toot*,. Alang sagot… Sinigaw niya uli … Ala pa rin… Bigla siyang kinatok ng katotohanang wala na siya. Iniwan na siya sa mundong kaniyang pinaghirapan buuin. Wasak na ang kaniyang mundo. Ngayon iniisip niya ng pakamatay para matapos ang lahat. Lunurin ang sila sa alak para makalimutan ang problema. Gumanti sa ibang tao kung paano ang ginawa sa kaniya. Sobrang sakit "daw" ng nangyari sa kaniya.

Kainis no? Totoo ngang nakakabulag ang lintik na pagmamahal. Hindi nila nakikita ang mga nangyayari sa paligid nila. Talagang sarili lang ang umuusad pag nagmamahal. Payo ko lang sa iyo parey ( alam mo kung sino ka ), iba na ang buhay mo ngayon. Ano ngayon kung nawala siya? Gaya nga ng sabi ko sa isa ko pang pinayuhan, patayin mo ang emotion. Ipagpatuloy mo ang buhay mo. Marami pang iba dyan no at sana matuto kang pumili at makiramdam. Tandaan mo ang mga pagkakamali at huwag ka na umulit. Kasi next time, hindi na kita papayagang uminom, babasagin ko na lang ang bote ng alak sa bumbunan mo. Magtanda ka na tsong at enjoy life!

Gets mo? Gets ko! Gets nating lahat…

(Para sa isang post sa aking friendster bulletin board ng isang kaibigang naiiyak sa pag-alis ng boypren)

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makidamay… ehehehehe

One Response to “Mundong Gumuho (Payong kaibigan #2)”

  1. Rolan Says:

    Naka-intindi ako sa dinanas niya T_T.

Leave a Reply