Payong Kaibigan
Listen to me, if you are reading this entry please i beg you, follow my advise. You are stuck with what happen in your past, blaming yourself for its effects and eventually, feeling sorry for yourself. Everybody had a point when they made life changing mistakes and feel sorry about it. Countless tears already poured thinking it was the end of their lives. But hear this, GET UP!
Madapa ka, matuto kang bumangon. Alisin mo ang galit sa puso mo pati ang lungkot. Ibangon mo sarili mo. Alang maitutulong ang pag-iyak mo at paghingi ng dalamhati ng iba. Ikaw ang aayos ng buhay mo. Kumbaga sa isang barko, ikaw ang kapitan na magdadala papunta sa iyong patutunguhan. Di pa naman nawawala yung pangarap na yun eh. Abot mo pa. Oo, bumagsak ka pero di ibig sabihin nun tapos na ang lahat. Tumayo ka at i-tama ang maling nagawa.
Nakakapagod ibalik ang sarili sa dati. Oo, maraming kukutya sa iyo. Oo, maraming may masamang tingin sa nangyari sa iyo. Pero kebs mo, buhay mo yan hindi sa kanila. Ang huling decision nasa iyo. Hanapin mo ang lakas sa mga kutya nila at promise! babalik ka uli sa dati.
Pahirin mo na luha mo tsong, tutulungan kita. Pakinggan mo lang ang payo ko ha? Ngiti na, sabihin na nating malaki ang ngipin mo pero i-tawa mo na lang muna ang problema. Ayan, salamat naman at nakinig ka. Sunod, ilatag natin ang susunod mong mga hakbang. Maabot din natin yan, maniwala ka tsong! Ikaw pa, lakas mo sa kin!
June 24th, 2005 at 3:09 am
mairap bumangon lalo na kung sanay kang nakatayo… hindi mo alam kung paano itungkod ang mga binti mula sa lupa upang makabangon muli. ngunit hindi nangangahulugang katapusan na ng lahat, tama… mga pagsubok na nagbibigay ng mga kalyo. dahil sa muling pagbangon madapa ka man hindi na ganun kasakit dahil alam mo na ang gagawin. maraming salamat sa kamay na nakalaan, nag dahil sayo babangon akong muli.