Point of Fire

Noong nakaraang Biyernes at Sabado (Hunyo 10-11) ay nagkaroon ang team ko sa Globe ng isang  team building. Astig ang aming venue, "Punta Fuego" isang lugar sa batangas.

Bakit kamo astig? aba basahin mo na lang ang aking komentaryo ko sa baba:

Ang lugar - astig! Ang bahay namin dun ay sobrang laki. Literal na malaki sa taas ng isang bangin. Kumpleto sa gamit (lutuan, playground, kubyertos, tv, etc.), madaming activity spots (may lawn, playground, attic, penthouse) at very near sa beach. Malawak ang rooms as in MALAWAK plus may 2 floor na terrace kung saan tanaw na tanaw ang dagat. Sa mga nagbabalak bumili ng isang ito, parey mukhang kailangan mong tumaya sa lotto o kaya gawin ang "Anna Nicole Smith" strategy. P30M ang halaga ng isang bahay dito (feeling ko gusto ko himatayin). Nakakapanghinayang lang, kasi karamihan ng mga nakatira dito nung pumunta kami ay mga caretakers. Sobrang yaman ang mga may-ari tipong pumupunta lang sila dito pag summer. Wish ko lang sobrang yaman ko rin, ehehehhe

The beach - Kung titignan sa point of view ni hebs, panget (kasi alang gaanong chicks). Pero sa nature lovers, white grainy sand ang texture ng pampang. Parang umaapak ka sa crushed corals sa sobrang pino ng buhangin. Plus dito ko nakita ang sobrang lakas na alon. May video nga ako nung waves na humahampas sa may batuhan. Di pa naman ganun kalakas para makapag surfboard ka, pero it’s strong and big.

Downside lang, malabo ang tubig. Nagdala ko ng snorkling set pero ala ko makita sa ilalim. Sobrang cloudy marahil sa lakas ng alon at sa pino ng buhangin. Tapos medyo polluted na. Makikita mo ang tsinelas, mga pinagbalatan ng chichirya, logo ni datu puti, patay na pusa (joke), etc. At mabato! sobrang mabato! kung ala kang dalang aqua soles, malamang pwede ng pang-adobo ang paa mo sa tulis ng mga bato sa ilalim. Natural, masakit! By the way, may nakita pala kong korales na mukhang keps sa may dalampasigan. Thus, bininyagan namin sa pangalang "keps coral". Napagtrip-an namin, ito pa nga ang picture.

Dscn0053Dscn0052
   

The activities - 2 lang ang highlight na natutunan ko sa aming teambuilding. Ito ang: mah-jong at "coupling shots".

Sa punta fuego ako natuto magmah-jong. Ang larong dati ay pinagtatawanan ko at hindi ko pinapansin sa paniniwalang sugarol lang at mga alang ngipin ang naglalaro, ngayon ako’y naadict. nalaman ko kung ano ang "Chow" at "Pong", "manalat" ng mga piyesa, mag-stack up ng tiles at mainis sa pagbuo ng tamang kombinasyon. Para lang pala siyang tong-its na mas mahal dahil tiles ang gamit mo. Nakakaadik pero syempre laro-laro lang. Ayoko gawing sugal.

Coupling shot - isa itong feature ng camera ko kung saan pwede mo pagsamahin ang 2 scenario sa isa. Kumbaga ang kalahati ang first scene mo, ang kabila ay ibang scenario. Salamat sa tripod at sa taong itago na lang natin sa pangalang shaggy, nagawa naming gumawa ng mga pictures kung saan kami ay parang may mga clones. Ano ang sikreto? pipili kami ng isang background sa bahay. Tapos kuhanan namin ng picture kung saan lahat kami ay naka-pose sa kalahati. Sa second shot,lilipat kami lahat sa kabilang bahagi at kukuha ng panibagong pose. Ang resulta: mga pictures na mukhang may kambal kami. Tignan niyo na lang ang mga sample ko sa baba:

Cimg1019Cimg1021Cimg1029

Cimg1025

Cimg1024_2

All in all, astig ang trip namin sa punta fuego. Busog at sarap ang aming inabot kasama si Pepe Lopez!

Cool way to start the rainy season…

 

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makidamay…

Leave a Reply