Primadonna Demmit
Bakit ganun, takot tayong mga Pinoy umitim? Ano bang masama kung ang kulay mo ay maging kayumanggi? Bakit ba ayaw niyong tanggapin na likas sa atin ang hindi maging kulay porselana?
Naiinis lang kasi ako sa mga taong pilit nagpaputi. Tipong subukan ang lahat ng bagay para lang lumiwanag ang kulay. Handang gumastos para lang sabihang maganda at titingalain ng lahat. Dahil siguro sa mga nakikita natin sa media at mga libro, pag sinabing maganda = maputi. Kulay daw ng kalinisan at kaselanan.
Iniisip ko lang kung lahat ng Pinoy naging puti. Paano na kaya ang sakahan natin? Sino na ang magtatanim gayong ayaw mong maarawan at magkulay lupa ang iyong balat? Sino ang manguha ng isda at papalaot sa dagat sa katanghaliang tapat para manguha ng kanilang ikabubuhay?
Hindi ko lang talaga lubos maisip bakit ang sama ng tingin nating Pilipino sa kulay kayumanggi. Di ko sinasabing masama ang puti pero sana tanggapin natin ang kulay ng ating lahi. Ay leche, hindi ko sinulat ito dahil negro ako o naiinis ako sa mga kumukutya sa kin, gusto ko lang ilabas kung ano ang aking masasabi sa isyung ito. Hay Pinoy, sobrang chinovela na yan…
(isinulat ko ang akdang ito dahil sa mga lintik na ale sa jeep na alang pinag-usapan kungdi magpaganda. istorbo sa tulog)
ala lang… share ko lang… baka may makiramay… ehehehehe
June 29th, 2005 at 5:00 am
From one nognog to another : “AMEN kAPATID!! I feel your pain!”
June 29th, 2005 at 5:30 am
naiintindihan ko ang iyong pagrereklamo, ngunit talagang sadyang tanga ang mga taong pilit na nagpapaputi. unang una, hinde nila alam na nagiging kulay gray muna sila. (wahaha tanga na nga gusto pa mag mukhang tanga) pangalawa lahat ng mga tao dito sa new york eh pilit na nagpapaitim (tulad ko, pero morena naman talaga ako at lumaki akong tinatawag na negra ng mga kamag-anak ko) hinde ko alam kung bakit iniisip nila na maganda ang maging maputi — sa pag isip ba nila nito eh inaamin nila na panget sila? hahahahaha
isa pang hinde ko maintindihan ay ang pilit na pagyakap sa kulturang ghetto. sa madaling salita, maraming pilipino ang nagpipilit na maging itim na nakatira sa skwateran. lintek. kung makikita lang nila kung gaano nakakainis ang mga ghetto na tao dito sa bronx (at nakakatakot sila ha) baka magbago isip nila.
June 29th, 2005 at 5:14 pm
Actually sinulat ko lang ito, kasi buset yung 2 babae kahapon sa jeep. ala ng pinag-usapan kung hindi paano magpaputi.