Archive for July, 2005

Pangungutya ng Bahaw

Sunday, July 31st, 2005

Sinong may sabing kadiri ang tira?
Wala ng silbi at di nakakagana?
Sa lakas mong ako’y lamunin sa umaga
Sinangag at kasama ng mga longganisa
Sa hapon marahil buhusan ng kape
lamang sikmura din, di mo na inintindi
Ang pagkaing akala mo’y kupas na
Parang alak, mas masarap kung tumanda na
Syempre kung nakatikim ng ibang uri ng lasa
Na hindi dulot ng pansawsaw na suka
Derecho sa kasilyas, ikaw’y magmadali
Pagka’t ako’y panis na , tinamaan  ng lintik

Geekish Dinner

Sunday, July 31st, 2005

Isang masayang reunion para sa aking mga fellow geeks last Saberday sa TGIFridays. Isang kamustahan matapos ang isang mahabang panahon ng di pagkikita. Kasama sina Adriano, Markito, Rach, Mabel, Grace, Gerry at si Ces (sa wakas nakasama ka rin namin!).  Kaso ala sina Kerwin at Gherette, para mas lalong masaya (gherette! tanda ko ikaw ang taya sa susunod na labas!). Ala tuloy kami maasar at mainis, ehehehe.

Salamat nga pala kay markito kasi sagot niya ang malaking part ng bill. Butihing tao ka talaga! Ayaw mo nun may birthday treat ka pa from TGIFriday, eheehehehe. Since ala kasi kaming money para sa dessert, ayun, pinakantahan namin si markito ng happy birthday. Voila! Instant dessert! ehehehehe.

To recap, ito ang mga latest updates mula sa mga geeks:

Ces - may shocking news siyang ni-reveal sa amin.(buti na lang di pa nahain ang pagkain kaya di ako nabilaukan). Sa mga "Forever friends of Ces and Bryan" fans club, sorry, kailangan niyo na buwagin ang inyong organization. Single but happy, yan ang kaniyang status ngayon.

Rach - going strong, nagka-double chin at himala di na siya Patpat ngayon. BIglang nagkalaman! First time pa magka-bilbil! Very remarkable ang pagtaba. eheehhehe

Ako - hay naku, basahin niyo na lang ang blog ko. Isusuka niyo na nga ang laging kong reklamo

Gerry at Gace - going strong pa din! Kasalan na ito!

Mabel - forever blooming ang loka. Sexy dahil sa continuous work-out. aba umibig na pala dapat pero sa kinasamang palad, nabigo dahil maling lalaki ang kaniyang nabingwit. Happy but single!

Adrianong Hitad - syempre, masayang - masaya sa piling ng kanyang asawa na si aya. Kaso pansin mo na ang pagtaba at pagkakaroon ng kaparangan sa noo. Kung ang mayroon siyang salbabida dati, sinuot niya pa pati yung beachball.

Markito - happy, kahit ginisa ko ng ginisa. Maraming na-share na kwento regarding work, trip sa buhay. Salamat sa pagsagot sa CS jacket parey!

Masayang kwentuhan, kulitan at kamustahan sa loob ng 2 oras. Di baleng mahal ang pagkain at walang habas na asaran basta ang mahalaga makita mong muli ang iyong mga kaibigan. Hoy ha, na-miss ko ang pangungulit sa mga taong matagal ko ng hindi nakikita. Masarap ang feeling na makalimutan mo ang problema at feeling college ka uli. Isa pa, happy ako kasi ako ang organizer nito ehehehehe.

Sa uulitin mga geeks! Sana mas marami pang makasama! Sagot ni Gherette ang susunod na get-together natin. Yahoo!

Ito nga pala ang ilang pictures namin:

Cimg0084

Clockwise from center: (markito, adrianong nakatalikod at pasaway, mabel, grace, gerry, ako ang cameraman, rach, ces)

Cimg0087

Mabel, grace and gerry (yihii!)

Cimg0102Ako, matabang si rach, diet na si ces

Cimg0093Ang hambilababol loveteam na si gerry at grace

Cimg0099

Si Rach takaw with markito and Ces

Cimg0094_3

Iba talaga nagagawa ng kasibaan sa pagkain. Kaya ang laki ng tyan eh

Cimg0096_1

Happy birthday markito! Dahil sa iyo may libre tayong dessert!

Pwede niyo access ang full album sa link sa ibaba:

http://www.kodakgallery.com/I.jsp?c=g7ct90h.6gnb4fa5&x=0&y=fsf0sc

Munting Bagyo

Friday, July 29th, 2005

Tatlong dagundong ng kulog
Hudyat ng pagdating ng bagyo
May dalang  ulang kay lamig
bubuhos mula sa nangangalit na alapaap
Susubukang muli’y sumilong
Sa ilalim ng higanteng punong
Na kahit kailan ay di ko na muli maabot
Pagka’t ang kidlat sa akin ay tumupok

Fumagate on small detail

Tuesday, July 26th, 2005

Hay naku… Kakasimula pa lang ng araw buset na. Sino ba naman ang di maiinis pag nakakita ka ng message na "Don’t blame others, it’s your responsibility to understand the program…". Ano kamo? Alam ko kung ano ang ginagawa ng programs ko  at yung logic nun na siya pa mismo ang nagturo sa kin. Since pareho lang yung logic na yun sa kasama ko, yun na yung ginamit ko. Pero lintik talaga, nagkamali lang ako ng label at alang nagrereklamo sa ginawa kong program, ngayon na-question ang ginawa ko. Leche talaga, lahat naman ginawa ko ah. Ok lang sana kung users lang ang kaaway ko eh pero baket pati siya?

Nasayang lang ata yung panahon kong mag-explain sa kaniya kahapon eh. Tsk, sana sumama na lang akong naglugaw. Umiinit tuloy ang dugo kay aga-aga. Pere ha, may natutunan ako. Documents talaga ang basehan sa lecheng trabahong ito. Kung ano yung program dapat may documentation yun.

Big issue on a very small detail. Now I’m questioned again for what I did. Ewan ko lang ha, pero siguro naman may iba silang bagay na kailangang gawin at hindi nila gawing malaking issue yung wrong field name. Madali lang namang baguhin yun eh, if they want a revised report with the correct header then I’ll give it to them.

Palibhasa users kaya kailangan satisfied… if this job sucked before, it is in deeper damnation right now…

sa mga nakakabasa nito, trabaho lang ha, alang personalan… i hate my job…

Freedom… 4 months… Ang tagal mo!!!

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehehee

Telenobela Chuva

Thursday, July 21st, 2005

Hmmm, ngayon napapaisip na naman ako. Bakit karamihan ng pinoy adik sa telenovela? Ala lang, naalala ko kasi nung bata pa ko kada uwi ko sa bahay (2 pm yun ha, sakto katatapos lang ng Eat Bulaga), tutok na tutok lahat ng tao sa bahay sa Agila. Aba, parang alang pakialam sa buhay at talagang di mo maistorbo. Ang masaya pa dito, pagdating ng commercial mag-iingay na yan at magmumukhang mga eksperto sa pagbibigay ng ending ng telenovela. Kanya-kaniya sila ng opinion sabay tutok uli pagtapos ng komersyal.

Sabagay isa itong paraan para malimutan ng Pinoy ang kanilang problema. Kaso kakainis lang kasi minsan ober na ang kanilang panonood. Tipong paniwalang - paniwala sila sa mga nangyayari sa bida. Tapos sasabihin nila sa mga anak nila, kamukhang-kamukha mo si …. Syempre yung bata feeling proud kasi nga sabi ng nanay nila mukha silang artista. Mag-aangas na yan at gagayahin ang ginagawa nung tauhan sa telenovela. Eh paano kung sinabi nung nanay niya na kamukha niya si Corazon o kaya pulgoso?

(sinulat ko ito dahil naalala ko ang away ko sa katulong namin dati pag 6 pm na at gusto ko pa manood ng cartoons)

Ala lang … gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehehehe

Isang pagbatikos sa pulitikang leche

Sunday, July 17th, 2005

Hmmm, nalulungkot ako. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko lalagyan ng bahid itong blog ko ng pulitika ng pilipinas. Kaso di ko na talaga kayang tiisin eh. Nais ko lang ilabas ang sama ng loob ko dito sa aking munting blog. Pasensya na pero mga kaibigan pero ito ang unang salang…

Una, tuwing nakikita ko ang kalagayan ng mga mahihirap sa pilipinas, nagdaramdam ako. Yung makita mong dumarami ang namamalimos sa kalye at maski ang malalakas pa ang pangangatawan, nakakadurog ng puso. Ang dami ng nagugutom kaso alang gumagawa ng action. Ang nakakainis lalo, sila ang ginagamit ng mga pulitiko para maluklok sa puso. "Uneducation of the poor gave them the advantage" ika nga sa isang dyaryo. Kakainis. Kung iisipin mo, exploitation ang lumalabas. Pucha, pagkaluklok ng mga nahalal sa pwesto, ala na. Puro business na. Kalimutan na. Kaya hayun ang kawawang maralita, patuloy sa pamumulot ng tira-tira para lang maitawid ang buhay nila sa maghapon.

Pangalawa, lintik na langis yan, patuloy na tumataas. Ayon sa isang nakapaskel na papel sa fx na sinasakyan ko, noong 1996 nasa P7.50 lang ang presyo ng diesel. Ngayon, nasa 27.20 na. Malapit ng mag-300% sa loob lang ng 9 na taon. Anak ng, ganun na ba kadami ang gumagamit ng krudo sa bansa? Ganun na rin ba kahirap ang Saudi para itaas ang presyo ng langis mula sa kanilang bansa. Syempre ang kailangan sumalo ng bigat ng krisis na ito ay ang taong bayan. Pero may magagawa sana ang pamahalaan eh. May karapatan silang gawan ng order para pigilan ang pagtaas nito. Kaso ala, puro sarili nila ang iniisip nila.

Promise huli na ito, pangatlo, puro issue sa gobyerno ang inaayos ng gobyerno. Pucha, ilang oust the president, jueteng scandal, corruption case na ang narinig ng taong bayan. Puro na lang sa gobyerno ang pilit nilang inaayos. Hindi ba nila alam na habang abala sila sa ginagawa nilang kagaguhan sa pwesto nila ay napabayaan na nila ang higit na problema ng bayan? Habang busy sila sa mga hearings nila eh bumabagal ang serbisyo nila sa mamayan? Halimbawa na lang, yung mga batas na dapat nilang pinag-iisipan at talakayin lalo na ang issue sa kahirapan eh laging naisantabi ng jueteng payola. Oo nga, corrupt na kung corrupt pero pwede naman nilang i-asa sa ibang tao ang issue na yan. Gawin sana nila ang kanilang trabaho…

Lalo tuloy lumalakas ang loob kong iwan ang Pinas. Namumuhi ako sa pagpapatakbo sa bansang ito. Leche, nakakapagod na. Ayokong maniwala na ala ng pag-asa ang bansa kaso mas lalo lang akong nadidismaya. Hay naku, magising sana tayo sa masamang bangungot na ito. Kain na nga lang muna ko…

(sinulat ko ito dahil sa pamasahe sa jeep na sobrang tass. BUset na driver, magdagdag naman ako eh…)

Ala lang…gusto ko lang i-share…sana may makiramay… ehehhee

Hagulhol ng bitay silya elektrika

Thursday, July 14th, 2005

Pikit mo ang iyong mga mata

Puso’y iyong i-kalma

Bagamat ito ang iyong huling paghimbing
Sa seldang ubod ng dilim

Sama ng loob na iyong kinimkim

Sa salang di mo dapat ginawa

Ngayon buong pagsising iyong inalay

Sa huling oras ng iyong buhay

Sa mata ng tao, ikaw’y masama

Lahat ng gawin mo’y puno ng luha

Pero sa pagsisi mong ginawa

Tanging Diyos ang umuunawa

Buksan mo ang mga mata

Sa ulo mo ipinutong na ang korona

Kaunting minuto na lang ang natira

Payapa ka na uli at ganap na malaya

Hudyat ni kamatayan iyong narinig

Sa dasal ng paring sa tabi mo nakatindig

Alam mong sa muling pagbukas ng iyong mata

Isang bagong buhay sa lupang payapa

A geeky confession

Tuesday, July 12th, 2005

Now I confess, I’m a geek. I love to debug and design complex computer systems. I love to read poetry, great novels and the encyclopedia. I’m happy when I have a new gadget to play with and computers to tinker. I listen to classical musics and would enjoy a nice techie chat with my fellow geeks. I love seeing numbers and solving hard math problems. I gasp when I see a blue screen in my pc monitor and fix it without consulting a technician. I would prefer being stuck in front of the computer and reading online journals rather than going outside and be burned by the sizzling sun.

But now, I had seen the light. I learned about the world outside  my desktop. Now I know that there are beings beyond the walls of knowledge built around me. Friends, kabarkadas and colleagues whom I never did imagine that I will miss till this day. I learned what the words "party" and "gimik"  really means. It finally convinced me that there are other things better in this world. Slowly, it captured me and drifted me from my small world.

Will I still be a geek? or will i have to embrace this new life I found?

Now I’m confused.. damn it…

Ala lang… gusto ko lang i-share… baka may makiramay ehehehe

Mom and Dad Singapore trip

Saturday, July 9th, 2005

Welcome back, mommy and daddy! They were in Singapore for a business trip since last Tuesday. Dad spent his birthday there but he promised to treat us for dinner tomorrow. What’s cool, is I scored a new wallet! (my old one is so dilapidated). It has a strange brand too, sounds like calvin klein for KOrea.

Anyway, I’m still glad they were back. No more vienna sausage for dinner (4 days na, purgang  purga na ko).

Ala lang… gusto ko lang i-share… baka nay makiramay… ehehehehe

What the *bleep* *bleep* is this *bleep*?

Tuesday, July 5th, 2005

I just read this in a newspaper regarding the censorship in TVs. He was saying that why does MTRCB censor, bleep or cut the "sexy scenes" in some of the shows on TV? Well, as they say it is to "protect the innocent mind" of children watching those darn shows.  Ay baket?

Siguro isa sa magandang halimbawa nito nung may lumabas na 10 sec. nude video clip sa Channel 13 (Geez, I was not home when they aired it). Isa pa yung pag suspende sa mga noontime show hosts na may "malalaswang" salita sa TV.

Pero bakit sa mga balita, yung mga naging biktima ng tsunami, pugot na bangkay o kaya yung mga naging biktima ng krimen di nila magawang ma-censor (dati).  Di ba nakakasira din ito sa "inosenteng" utak ng mga bata? Sabagay mas magiging matanong ang mga paslit tungkol dun. Magtatanong yang mga yan hanggang maintindihan nila yung nakikita nila sa TV. Ayos sana kung parents nila yung sumagot sa tanong nila, eh paano kung mga yaya o kaya sira-ulong pinsan

bata: "ano yan kuya, yung nakahiga sa kalye, yung labas buto"
pinsan: ah, bulalo yan, masarap sa tag-ulan
bata: eh bakit madugo
pinsan: tomato sauce yan, para mas sumarap ang bulalo

O di ba? Hmmm pero para sa kin, ito marahil ang rason nila. Censored ang mga malalaswang palabas kasi pag nakita ng maraming bata, gagayahin nila. Dadami pa ang paslit sa Pilipinas hanggang magkaroon ng problema sa teenage parents at population explosion. Astig! mukhang bansa ng mga rabbits ang Pinas!

Dun naman sa mga biktima ng krimen kaya hindi malagyan ng blur screen kasi saktong hapunan ang palabas. Eh di mawawalan ng gana ang makakapanood nito at sila ay papayat. Ang galing! Naisip ng mga istasyon ng TV na makakatulong sa pag-diet ang kanilang ginagawa. Magawaran kaya sila ng award ng gobyerno?

Sa akin lang itong mga sinabi ko sa issue na ito. Bahala kayo kung maniwala o i-tsismis niyo sa iba. Sana lang gawin nilang mas mahigpit ang censorship sa TV. Yun lang

(nasulat ko ito dahil sa nangyaring aksidente sa MRT. Malamang ipapalabas ito sa TV mamaya without censorship)

Ala lang… gusto ko lang i-share… Baka may makiramay… ehehehe