Hagulhol ng bitay silya elektrika
Pikit mo ang iyong mga mata
Puso’y iyong i-kalma
Bagamat ito ang iyong huling paghimbing
Sa seldang ubod ng dilim
Sama ng loob na iyong kinimkim
Sa salang di mo dapat ginawa
Ngayon buong pagsising iyong inalay
Sa huling oras ng iyong buhay
Sa mata ng tao, ikaw’y masama
Lahat ng gawin mo’y puno ng luha
Pero sa pagsisi mong ginawa
Tanging Diyos ang umuunawa
Buksan mo ang mga mata
Sa ulo mo ipinutong na ang korona
Kaunting minuto na lang ang natira
Payapa ka na uli at ganap na malaya
Hudyat ni kamatayan iyong narinig
Sa dasal ng paring sa tabi mo nakatindig
Alam mong sa muling pagbukas ng iyong mata
Isang bagong buhay sa lupang payapa