Isang pagbatikos sa pulitikang leche

Hmmm, nalulungkot ako. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko lalagyan ng bahid itong blog ko ng pulitika ng pilipinas. Kaso di ko na talaga kayang tiisin eh. Nais ko lang ilabas ang sama ng loob ko dito sa aking munting blog. Pasensya na pero mga kaibigan pero ito ang unang salang…

Una, tuwing nakikita ko ang kalagayan ng mga mahihirap sa pilipinas, nagdaramdam ako. Yung makita mong dumarami ang namamalimos sa kalye at maski ang malalakas pa ang pangangatawan, nakakadurog ng puso. Ang dami ng nagugutom kaso alang gumagawa ng action. Ang nakakainis lalo, sila ang ginagamit ng mga pulitiko para maluklok sa puso. "Uneducation of the poor gave them the advantage" ika nga sa isang dyaryo. Kakainis. Kung iisipin mo, exploitation ang lumalabas. Pucha, pagkaluklok ng mga nahalal sa pwesto, ala na. Puro business na. Kalimutan na. Kaya hayun ang kawawang maralita, patuloy sa pamumulot ng tira-tira para lang maitawid ang buhay nila sa maghapon.

Pangalawa, lintik na langis yan, patuloy na tumataas. Ayon sa isang nakapaskel na papel sa fx na sinasakyan ko, noong 1996 nasa P7.50 lang ang presyo ng diesel. Ngayon, nasa 27.20 na. Malapit ng mag-300% sa loob lang ng 9 na taon. Anak ng, ganun na ba kadami ang gumagamit ng krudo sa bansa? Ganun na rin ba kahirap ang Saudi para itaas ang presyo ng langis mula sa kanilang bansa. Syempre ang kailangan sumalo ng bigat ng krisis na ito ay ang taong bayan. Pero may magagawa sana ang pamahalaan eh. May karapatan silang gawan ng order para pigilan ang pagtaas nito. Kaso ala, puro sarili nila ang iniisip nila.

Promise huli na ito, pangatlo, puro issue sa gobyerno ang inaayos ng gobyerno. Pucha, ilang oust the president, jueteng scandal, corruption case na ang narinig ng taong bayan. Puro na lang sa gobyerno ang pilit nilang inaayos. Hindi ba nila alam na habang abala sila sa ginagawa nilang kagaguhan sa pwesto nila ay napabayaan na nila ang higit na problema ng bayan? Habang busy sila sa mga hearings nila eh bumabagal ang serbisyo nila sa mamayan? Halimbawa na lang, yung mga batas na dapat nilang pinag-iisipan at talakayin lalo na ang issue sa kahirapan eh laging naisantabi ng jueteng payola. Oo nga, corrupt na kung corrupt pero pwede naman nilang i-asa sa ibang tao ang issue na yan. Gawin sana nila ang kanilang trabaho…

Lalo tuloy lumalakas ang loob kong iwan ang Pinas. Namumuhi ako sa pagpapatakbo sa bansang ito. Leche, nakakapagod na. Ayokong maniwala na ala ng pag-asa ang bansa kaso mas lalo lang akong nadidismaya. Hay naku, magising sana tayo sa masamang bangungot na ito. Kain na nga lang muna ko…

(sinulat ko ito dahil sa pamasahe sa jeep na sobrang tass. BUset na driver, magdagdag naman ako eh…)

Ala lang…gusto ko lang i-share…sana may makiramay… ehehhee

Leave a Reply