Pangungutya ng Bahaw
Sinong may sabing kadiri ang tira?
Wala ng silbi at di nakakagana?
Sa lakas mong ako’y lamunin sa umaga
Sinangag at kasama ng mga longganisa
Sa hapon marahil buhusan ng kape
lamang sikmura din, di mo na inintindi
Ang pagkaing akala mo’y kupas na
Parang alak, mas masarap kung tumanda na
Syempre kung nakatikim ng ibang uri ng lasa
Na hindi dulot ng pansawsaw na suka
Derecho sa kasilyas, ikaw’y magmadali
Pagka’t ako’y panis na , tinamaan ng lintik