Telenobela Chuva
Hmmm, ngayon napapaisip na naman ako. Bakit karamihan ng pinoy adik sa telenovela? Ala lang, naalala ko kasi nung bata pa ko kada uwi ko sa bahay (2 pm yun ha, sakto katatapos lang ng Eat Bulaga), tutok na tutok lahat ng tao sa bahay sa Agila. Aba, parang alang pakialam sa buhay at talagang di mo maistorbo. Ang masaya pa dito, pagdating ng commercial mag-iingay na yan at magmumukhang mga eksperto sa pagbibigay ng ending ng telenovela. Kanya-kaniya sila ng opinion sabay tutok uli pagtapos ng komersyal.
Sabagay isa itong paraan para malimutan ng Pinoy ang kanilang problema. Kaso kakainis lang kasi minsan ober na ang kanilang panonood. Tipong paniwalang - paniwala sila sa mga nangyayari sa bida. Tapos sasabihin nila sa mga anak nila, kamukhang-kamukha mo si …. Syempre yung bata feeling proud kasi nga sabi ng nanay nila mukha silang artista. Mag-aangas na yan at gagayahin ang ginagawa nung tauhan sa telenovela. Eh paano kung sinabi nung nanay niya na kamukha niya si Corazon o kaya pulgoso?
(sinulat ko ito dahil naalala ko ang away ko sa katulong namin dati pag 6 pm na at gusto ko pa manood ng cartoons)
Ala lang … gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehehehe