Alternative way of Reading…
Tuesday, August 30th, 2005Buhat sa aking obserbasyon, ngayon ko lang napagtanto na effective itong isang uri ng pagbabasa. 2 lang ang sangkap niya na ihahalo mo sa nakagisnan mong paraan. Ito ang (a) masakit na tyan at (b) inidoro. Bakit kamo? aba karamihan sa mga taong kilala kong nagpupunta sa CR para magjebs ay laging may dalang babasahin (dyaryo, libro, comics). Mas mabilis kasing makapickup habang jumejebs, fully concentrated ka sa ginagawa mo o kaya ayaw mong naiinip habang nilalabas ang kanilang kalbaryo sa tyan. Nakakatawa no, pero effective. Dun mo kasi makikita ang ganap na pag-iisa, sa loob ng apat na sulok ng CR at nakaupong komportable sa ibabaw ng trono.
May kakilala nga ako may dalang HISTORY book habang jebs. Hindi naman siguro gagawing pamunas nun yung pahina nun. At mataas ang nakuha niya sa exam niya dun.
Kung mali ang sinasabi ko, tanungin mo ang sarili mo. Sa tanang ba ng buhay mo hindi mo pa nagawang magbasa habang nasa trono?
Kung madiscover ito ng DECS, eh di dadami ang demand ng inidoro sa mga paaralan. Lalakas ang industriya ng mariwasa at dadami ang investor sa inidoro. Dadami ang trabaho sa bansa natin. Malay mo maging exporter pa tayo, taglay ang banner "Kasilyas para sa pag-asa ng bukas".
Sana bumenta ang idea kong ito.
(naiinis kasi ako sa kapatid kong nakasira ng koleksyon ko ng pugad baboy dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nagbabasa habang nagbabawas… masakit na nga tyan mo eh… )
Ala lang … gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehheeh