Afterlife
Naniniwala ka ba sa buhay pagtapos ng kamatayan? Yung hiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo at lulutang ka sa ere (parang nakapag-shabu). Yung sinasabi nilang mapupunta ka sa isang limbo ng kadiliman at sa dulo ay may liwanag. YUng makikita mo ang texas leghorn ni San Pedro o kaya ang shiny sungay ni Taning? Yung malalaman mo kung gaano ka kasama at kabuti. Yung ilalantad ang buong buhay mo sa pamamagitan ng isang libro (buti na lang patay ka na, at kaya mong makinig kahit gaano katagal).
Sarap siguro ng ganun. Kaso, alang makakapagkwento ng karanasan nila sa ganyan. Kung mayroon man baka atakihin ka bigla sa puso o kaya bigla ka na lang sumigaw ng Crispin at Basilio. Walang makapagbigay ng kongkretong larawan kasi nga "It’s best to experience it when you’re dead". Napapaisip tuloy ako, paano yung mga sinasabi nilang walang kaluluwa? Pag namatay sila, dead lang talaga? O yung katawan muna nila ang lulutang (iskeri!!) at bigla silang mauuntog sa kisame kasi akala nila kaluluwa sila.
Well anuman ang mangyari, ang kabilang buhay talaga ang pinakahihintay kong experience na mangyari sa kin. Hindi naman masama mag-wish na sana malapit na…
Ala lang… gusto ko lang i-share… Sana may makiramay… ehehhee