Bob Ong Pinoyz

Idol ko talaga si Bob Ong. Astig ang kanyang mga libro walang katuturan ang sinasabi pero malaman. Ang labo no? Nakakatawa kasi ang galing ng pagkakalarawan niya sa typical na buhay ng pinoy mula sa estudyante, colonial mentality at religion. Nakakatawa pero minsan gusto ko gayahin yung style niya. Alang definite subject. Isang mahabang book na kung saan-saan napupunta.

Sayang ala na yung website niya, www.bobongpinoy.com. Naalala ko pa yung article niya dun tungkol kay superbobong pinoy, may super powers pero naging chicharon ang tenga dahil sa pagsagot sa plantsa. Kailan ba uli gagawa ng isang makagagong novela si bob ong? Aba hindi ko rin alam, hindi naman ako ang information service niya.

Kung magkaroon kayo ng pagkakataon para magbasa ng gawa niya, gawin niyo. Makalimutan lang ang problema sa isang araw sa tulong niya. Sana ako si bob ong …

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makidamay… ehehehe

Leave a Reply