Ire

Ilang oras na  kasama ang kahirapan
Pikit ang mata sa luhang kaytagal
Buong bilis ang paghabol sa hininga
Tagaktak ng pawis na ga-timba
Sandamakmak na mura ang inabot
Ng pesteng asawang di makaundaugaga
Ngunit kahit ilang sakit titiisin ko
Pagkat sa dulo narinig ko ang munting iyak
Sa araw na ito ako’y ganap na isang ina

Leave a Reply