UP… ang sarap mo
Masarap talagang maging taga-UP. Naranasan mo ang kalayaan sa pag-aaral. Nakita mo ang aspeto ng buhay sa iba’t-ibang lente ng kapaligiran. Nabuksan ang isip mo sa mga leksiyong kahit kailan di tinuro sa apat na sulok ng silid-aralan. Kaso dapat sabihin mo rin sa sarili mong "Tama na, paalam na sa iyo". Kasi tapos na ang karanasan mo sa Unibersidad na ito. May tuldok na ang maligayang araw mo bilang estudyante at oras na para buksan mo ang pintuan ng bukas. Swerte nga kasi sa UP mo natikman ang hagupit ng tunay na buhay, kumbaga kahit papaano nagkaroon ka ng peklat para maging handa ka paglabas mo. Oo masarap nga maging estudyante sa UP pero kailangan mo ng lumakad palayo. Baunin mo na lang ang matamis na alaala sa tahanang lumilok sa pagkatao mo. Itago mo sa puso ang ligaya at pait na pinagkatiwala niya sa iyo. Higit sa lahat, huwag mong kalimutan ang bandila ng tagumpay na nawa’y laging wumagayway kahit saan ka pumunta.
O tahan na, humayo ka na. Ipinagmamalaki ka ng UP, tandaan mo yan. Taas ang noo at sabihin mong "Salamat sa iyo, UP…"
(para sa mga taong hanggang ngayon mahal na mahal ang dakilang unibersidad)