Reaching Dreams
Thursday, March 30th, 2006Dreams… Sino nga naman ang taong di mahilig managinip? Sino kaya ang taong ayaw mangarap? Ewan ko ha, pero para sa kin di ka normal kung wala kang pangarap sa buhay. Ows, ikaw wala? Maging mongoloid man ang iyong unang anak (mongoloid rule)? Tubuan ka man ng malaking nana sa ilong?
Ako? madami akong pangarap. Kaso naniniwala akong bawat pangarap ko maabot ko kung hindi ako hahakbang. Ika nga, "dreams are made of stairs, reaching it requires a first step". Aba kahit sino naman gustong maabot ang pangarap nila. Kaso karamihan, pagkatapos mabigo ng minsan, tigil na. Suko na. Anak ng tinapa. Sayang lang tuloy ang pinagpaguran nila.
Pero ako, bumagsak man ako, tatayo at tatayo ako. Kung hindi malinaw ang daan papunta sa pangarap ko, hahanap ako ng ibang daan. Basta ginusto mo, magagawa mo. Dapat nga maging parang asong ulol ka sa pag-akyat mo papunta sa mga pangarap mo. Walang makakapigil. Que si HUdas man yan o si GMA, wala akong pakialam.
Yan siguro ang isa sa mga napakahalagang natutunan ko sa simula ng 2006. Never say never and think positive. Kasi hindi mo makikita ang masayang bukas kung hindi mo sisimulan tahakin ang madilim na gabi.
Everything is falling into the right place at the right time. Aabot na ko sa unang checkpoint. At sa wakas, masasabi ko rin… "Wow! ang sarap ng ice buko!" este "Maabot ko din yan… sa wakas"
(hirap talaga pag umuulan, kung anu-ano ang pumapasok sa isip)


