Idol ko si Combatron

Back in the old days na uso pa ang mga Pinoy Komiks, isa lang ang superhero na sinusubaybayan ko. Siya si Combatron na nilikha ni Berlin Manalaysay. Nagsimula siya bilang isang batang gusgusin na dulot ng tadhana ay nabago ang buhay. Pinasa sa kaniya ang super armor ng isang naghihingalong space man at siya ay naging si COmbatron. Madami siyang kapangyarihan, mayroon siyang foot disk, teleported punch, eyebeams, galactic space sword at ang galactic phoenix. Sa tulong nito ay pinagtanggol niya ang mundo laban sa mga space robots na dating pinangunahan ni alchitran at ng lumaon si Omnicron. May mga sidekick din siyang aso, si Askal na namatay dahil sa isang trahedya at si dobbernaut na upgraded dog mula sa omnicron. Nakatagpo din siya ng mga alalay tulad ni Axel at Metalika.
Honestly, ang inspiration ata ni berlin para sa komiks na ito ay si megaman. Mula sa sidekick
niyang aso at costume, talagang inspired ng game si Berlin. Anyway, kahit ganoon, isa siya sa mga gustong-gusto kong dahilan kung bakit ako nahumaling sa pagbili ng komiks noong araw. Astig ang artwork pati storyline. Naalala ko pa ngang, gigising talaga ko ng 6 am ng umaga at tatakbo papunta sa komiks stand sa may kanto para lang bumili ng funny komiks. Sadly, di natapos ang kwento ni Combatron. Katulad ng kay little ninja, nawala ang kwento ni Combatron sa funny comics. Madaming fans ang nalungkot kasi hindi na nila muling nakita ang kanilang ultimate hero na si Combatron.

Well, isa siya sa mga dahilan kung bakit di jologs ang pinoy komiks. Siguro kung may magpapatuloy sa kaniyang kwento, talagang dudumugin ng mga fans ang kaniyang comics. Combatron, saludo kami sa iyo…
Kung nasaan ka man… Hoy bumalik ka na!
March 29th, 2006 at 9:20 pm
i think you forgot abodawn
saka si alchitran turned death metal. pinaghalong megaman at transformers at voltes v. omnicron is inspired from unicron. then yung earth base ni combatron ay kamukha nung sa camp big falcon. natapos yung combatron. pero hindi si berlin manlaysay ang tumapos. pumanget ang armor ni combatron. chaka ang storyline. di katulad nung si berlin pa ang naghandle, patok na patok. pati draing patok. SPACE THUNDER!!! another thing, baka pwede ka gumawa ng review for force 1 animax. 