Isang Seryosong Post

Para sa mga taong nag-expect ng isang kakaibang post ngayon, sorry to disappoint you. Seryoso ang post na ito. Ay baket? Kasi ngayon ko naramdaman ang halaga ng buhay? Ano kamo? Buhay? Oo, halaga ng buhay. Na pwede itong mawala sa isang iglap basta sabihin lang ni Lord "Yoko na sa iyo" at hipan ang kandila mo sa langit. O kaya dumating ang oras mo at makita na lang na naglilimbo-rock si kamatayan na di mo namamalayan.

Teka sabi ko nga seryoso ang post na ito. Bakit ko nga pala naisulat ito? Kasi sa dami ng nababasa ko ngayong articles, nababalitaang biglang nagkakasakit at binabawian ng buhay na di nila inaasahan, mapapaisip ka. Ganun lang pala yun? Walang pinipiling oras. Basta trip ni Lord na kunin ka, drop everything and get here. Walang pakialam kahit marami ka pang ginagawa o kaya nag-eenjoy ka pa sa buhay mo. Basta oras mo, oras mo.

Ako handa na ko. Kung sakaling dumating yun, di ako malulungkot kungdi matutuwa pa ko. Di naman sa atin itong buhay na ito eh. Para ito kay Lord at ipakita sa buong mundo ang pag-ibig niya. Weird ko no? Pero di ko talaga maipaliwanag, at natatakot ako na mawala ako sa mundong ito na hindi man lang nagpapasalamat sa mga taong minsan nakasama ko sa maikling oras dito. Aba malay niyo, maging langaw man ako sa susunod na buhay kasama ko kayo sa pagdapo sa maruming lansangan.

Seryoso na. Salamat sa lahat ng taong nakilala ko sa buhay na ito. Sana nakapag-iwan ako ng maliit na yapak sa puso ninyo. Ayoko palang iiyak kayo sa pagkawala ko (susme, hwag muna!) at mahal ang tissue. Maraming puno ang nasasayang sa paggawa ng tissue.

Nailabas ko rin ang kaba. Ala lang. Naglilimbo rock kasi yung taong naka-itim at may panggapas sa may gilid ng room. Maka-join nga. ehehehehehe

Leave a Reply