Aba may Confetti na naman

Araw ng makati ngayon. Syempre, mainit ang ulo ng mga drivers kasi sarado ang ayala avenue sa mga sasakyan. Katakot-takot na namang mura ang maririnig mo sa kanila kesyo traffic. Pero hindi ito ang topic ko. Nililito ko lang kayo.

Ang gusto ko lang bigyang pansin ay yung mga pira-pirasong papel na hinahagis tuwing may magandang okasyon sa makati. Yung tila nababalutan ng snow ang ayala avenue sa dami ng hinahagis na ganito. Itago na lang natin sila sa pangalang "Confetti’s".

Ay baket kamo ito ang napagdiskitahan ko? Ay kasi naiisip ko kung paano nila ginagawa ang mga confettis. Mayroon ba silang hina-hire na mga dating katipunero na sanay magpunit ng sedula? O kaya yung mga warfreak na gustong laging may pinupunit? Masarap sigurong trabaho yun no, punitin mo lang yung papel babayaran ka pa. Pero mas ok na trabaho yung magkalat ka na, malaki pa bayad mo. Isipin mo, magsasaboy ka ng limpak-limpak na kalat sa kahabaan ng makati at minumura ka nung mga taga-linis pero nakangisi ka sa bayad. Astig di ba?

Isipin mo rin yung mga kinarne nilang mga puno para gawing confetti. Pucha, sana recycled papers ang ginamit nila. Kasi kung saka-sakali, makakarinig na naman tayo ng balitang isang bayan ang natabunan ng landslide dahilan sa industriya ng confettis. Blame it on the confettis

Sige na tigil na ko. Iwanan ko na lang kayo ng top 10 things na di mo pwedeng gawing confetti:

1)  Gamit na pampers (Yung galing pa kay pampam)
2)  Hollow-blocks
3)  Dura
4)  Piano (tignan lang natin kung mabuhat niyo yun)
5)  Kamatis
6)  Talakitok
7)  Pera (Dyosme! literal na nagtapon ng pera)
8)  Bayabas (eh sa idol ko si Juan Tamad eh)
9)  Titulo ng lupa, multi-million kontrata (tignan natin kung di ka pugutan ng ulo)
10) Batang makulit

Di naman ako galit sa confettis. Tinitignan ko lang ang masayang aspeto nito. Teka, subukan ko muna kung di nga pwedeng gawing confetti yung hollow block…

Leave a Reply