Fear Factor
Di ko talaga alam kung bakit sumasali ang mga tao sa fear factor. Dahil sa prize money? Dahil sa pride? Dahil sa bragging rights? Ito ang kapalit ng mga kakaibang stunts at nakakadiring gagawin nila during the show. Kakain ng nasagasaan na hayup, gagamba, lamang-loob ng baboy, kambing, etc. Lalangoy sa sobrang lamig na tubig, tubig na may daga, basurahan, mga ipis, etc. Para saan? Dyosme, ganun na ba kadesperado ang mga tao ngayon para magkapera at sumikat. "Yahoo! Nagka-50K dollar ako pero kumain ako ng ipis". Sinong matutuwa nun? Ala lang. Naawa kasi ako dun sa mga na-eliminate sa contest. Matapos nilang masira sa screen eh pauuwiin na lang silang wala man lang napanalunan.
Ibang klase talaga… teka nga magbodyshot muna ko sa taong may ketong…