Yurakan mo na lahat, hwag lang X-men
Punyeta. Yan ang masasabi ko sa latest na pelikula ng X-men, ang X-Men III: The last stand. Akala ko pa naman impressive na ang storyline nila. Akala ko mas maayos ang storyline nila kaysa sa naunang 2 movie. But no, it’s even terrible. Ito ba yung pinagmamalaki nilang conclusion?
Bakit ko nga pala nasabing punyeta? Una, yung storyline. Kailan pa namatay si cyclops sa kamay ni jean grey? Kailan pa namatay si Professor X kay jean grey? at higit sa lahat, kailan pa namatay si jean grey sa claws ni wolverine. Ay pucha, sa movie nangyari yun. Nasira ang storyline ng X-men. Pero oo nga naman, movie lang yun. Lintek na pelikula.
Next na dahilan, bit player lang ang mga expected hebigat na mutants. Si cyclops, namatay sa kiss. Si Colossus, fave mutant ko, mukhang naging kargador lang sa pier. Si kitty, bata pa lang kerengkeng na. Si Rogue, nagpaconvert into human. Si Juggernaut, ampanget ng costume. Hay naku, ala pa si Nightcrawler. Oo nga pala, bading si avalanche. Naka-bra pa.
Lastly, daming inconsistencies sa story niya. Si phoenix, sumanib kay Jean, hindi inborn. Si juggernaut, bawal tanggalin ang helmet niya (at dapat naka-bolt pa nga yun sa armor niya). Si callisto, never niya naging ally si magneto. Lastly, bakit may ilaw pa yung mga natirang kotse sa bridge ng San Francisco? Kala ko, nag-flee na yung mga tao dun.
Paalala lang sa mga manonood pa lang. Iba na lang panoorin niyo kung mahal niyo ang pera niyo. Don’t expect anything big kasi ampanget niya. Sana itapon na lang nila sa manila bay para pakapitan ng talaba.
Punyetang pelikula…
May 28th, 2006 at 5:01 pm
tama ronnel iba na lang papanoorin namin…
nung friday bibili na kami ng ticket sa glorietta ngunit 930pm pa yung earliest na available.
>
>
>
>
eh binigay mo na lahat ng spoilers eh. hehehehe….
June 6th, 2006 at 4:22 am
Propose natin next installment: “X-Men 4: X-Men and the Chocolate Factory”
Hehehe…