Isang Seryosong Post

April 26th, 2006 by kampuger

Para sa mga taong nag-expect ng isang kakaibang post ngayon, sorry to disappoint you. Seryoso ang post na ito. Ay baket? Kasi ngayon ko naramdaman ang halaga ng buhay? Ano kamo? Buhay? Oo, halaga ng buhay. Na pwede itong mawala sa isang iglap basta sabihin lang ni Lord "Yoko na sa iyo" at hipan ang kandila mo sa langit. O kaya dumating ang oras mo at makita na lang na naglilimbo-rock si kamatayan na di mo namamalayan.

Teka sabi ko nga seryoso ang post na ito. Bakit ko nga pala naisulat ito? Kasi sa dami ng nababasa ko ngayong articles, nababalitaang biglang nagkakasakit at binabawian ng buhay na di nila inaasahan, mapapaisip ka. Ganun lang pala yun? Walang pinipiling oras. Basta trip ni Lord na kunin ka, drop everything and get here. Walang pakialam kahit marami ka pang ginagawa o kaya nag-eenjoy ka pa sa buhay mo. Basta oras mo, oras mo.

Ako handa na ko. Kung sakaling dumating yun, di ako malulungkot kungdi matutuwa pa ko. Di naman sa atin itong buhay na ito eh. Para ito kay Lord at ipakita sa buong mundo ang pag-ibig niya. Weird ko no? Pero di ko talaga maipaliwanag, at natatakot ako na mawala ako sa mundong ito na hindi man lang nagpapasalamat sa mga taong minsan nakasama ko sa maikling oras dito. Aba malay niyo, maging langaw man ako sa susunod na buhay kasama ko kayo sa pagdapo sa maruming lansangan.

Seryoso na. Salamat sa lahat ng taong nakilala ko sa buhay na ito. Sana nakapag-iwan ako ng maliit na yapak sa puso ninyo. Ayoko palang iiyak kayo sa pagkawala ko (susme, hwag muna!) at mahal ang tissue. Maraming puno ang nasasayang sa paggawa ng tissue.

Nailabas ko rin ang kaba. Ala lang. Naglilimbo rock kasi yung taong naka-itim at may panggapas sa may gilid ng room. Maka-join nga. ehehehehehe

A new life

April 26th, 2006 by kampuger

Ngayon ko lang talaga naranasan ito. Maging total coordinator ng 2 magkasunod na outing. Hirap pala. Budget, tao, place to stay, itinerary. Pressure pa pag nagkaroon bigla ng mga problems kagaya ng "Pare di ako pwede…" o kaya "Kanino kayo nagpa-reserve… ala ata…" Sakit ng ulo, puyat at tyaga ang puhunan mo.

Pero mind you, marami ko natutunan. Dito ko na-apply ang aking mga natutunan sa seminar. Leadership. Goal-oriented planning. Risk Management. Putsa, simpleng outing lang parang naging kumplikado na. Pero hwag ka, dahil sa aking mga natutunan, buong tapang kong inorganize ang events na yun. Training kumbaga.

It fits on my goals for this year. "Increase self-confidence and practice leadership among others". "Increase circle of friends and invest on learning things outside the 4 corners of my CPU". Masarap pala. Na minsan matuto ka ng bagay na di mo forte o kaya sa tingin ng ibang tao di bagay sa iyo.

Manigas kayo sa inggit. ehehehehe

Pangatlong Salang ng Ym Statuses

April 20th, 2006 by kampuger

Sa mga humihiling ng aking mga latest ym status messages, nandito po ang part 3 nila:

Bakit nga ba hindi na "Quotes" ang nilalagay ko? Aba malay, mas masaya pala kung random quote ang ilagay ko eh. Mas madami nabubuset.

Lahat sila unique at pwede niyong gawing horoscope for the day

Sabi nga ni Tuning sa MUP, "YM status ni ronnel, Susunod na (nabibilaukan)"

Ang mga ym status ko  (basta up-to-date yan)

1. Q: Ano ang religion ng mga taga-bundok? Jew, kasi mountain jews…
2. What did you say, Holiday… What can I get, Bwakanangshet… What is life, manulife… Who the hell, chuchubells… Wait a bit, jackrabbit…
3. Nagdadampa ng gulong ng ten-wheeler…
4. Hindi ako negro, tutong po ako, tutong…
5. Alam mo ba yung embudo? tumingin ka sa salamin tapos ngiti ka, pwede na yang bibig mo pansalin ng suka…
6. Bakit ang pinoy mahilig magpabati sa mga tv hosts ? Naabot ba nila ang nirvana pag narinig nila ang pangalan nila sa tv?
7. Bakit kailangang lumuhod sa pagkuha ng diploma? Paano kung may pako sa luluhuran mo?
8. Parrot,Parrot…Parrot,Parrot… - cheer ng sexbomb girls para sa UP
9. Help wanted: Taga-UAT ng Krus na gagamitin sa pagpapako sa Kwaresma … must have high tolerance of pain
10. Anak ng… naubusan ng 6" pako para sa krus… pwede bang finishing nail na lang?
11. Pwede bang bola de rehas na may pako at alcohol na lang para sa penitensya?
12. Anong half day? gusto mo maging half ang pay?
13. Bakit ang mga goon sa pelikulang pinoy laging naka-maong jacket at balbas-sarado?
14. tip #11: Bayaran mo ang dinner niyo, o kaya bigyan mo siya ng pang-taxi at ikaw ang maghugas ng plato…
15. Imbes na stretchmark di ba pwedeng litsugas na lang ang tumubo sa mga buntis?
16. Gusto mo ng foam? Kulitin mo ang isang asong bagong panganak, after 3 days may foam ka na!
17. Matagal na uso ang 3G sa pulitika: Guns, Goons and Gold
18. Corny joke for the day: Q: Bakit mo may sintas ng sapatos yung pansit ko? A: Ako lugi kung kasama sapatos

Payong Kaibigan #3

April 6th, 2006 by kampuger

Aku: sabihin mo nga sa kin
Aku: ano bang pangarap mo?
Secret: aalis lang ako sa poder nila kapag kumikita na ako
Secret: at tapos na sa doctor
Secret: pangarap ko?
Aku: oo
Secret: gusto ko maging doctor
Aku: para maging doctor anong kailangan mong gawin?
Secret: ung maririnig ko ung name ko sa hospital needed for emergency
Aku: para maging doctor anong kailangan mong gawin?
Secret: MAG ARAL
Aku: ano pa?
Secret: MAG ARAL
Aku: ano pa?
Secret: TYAGA
Aku: be very specific
Aku: isulat mo yang mga yan sa pader
Secret: like what?
Aku: tapos basahin mo everyday
Aku: yan ang magiging drive mo
Aku: sa pangarap mo
Secret: may dilemma rin naman ako
Aku: hwag mo hayaang pakialaman ng dilemna mo ang mga pangarap mo
Secret: gusto rin nman kasing makatulong sa parents ko
Secret: kumita agad
Aku: paano ka makakatulong sa parents mo?
Aku: di ba mas makakatulong ka kung makikita ka nilang doctor na?
Secret: oo
Aku: at mas madami kang matutulungan kung doctor  ka na?
Secret: prestige pa yun
Aku: o un naman pala eh
Secret: sabi nga ni daddy wag muna akong magpakasal agad
Aku: so ano na ang pangarap mo sa buhay
Secret: kasi gusto nya dr.a. dimalala
Secret: hindi ibang surname
Secret: pag grad na ako
Aku: so ano na ang pangarap mo sa buhay
Secret: maging doctor
Aku: isulat mo yan sa isang papel
Secret: ok lang naman siguro pag fatima graduate?
Aku: idikit mo sa salamin
Aku: tapos kung down ka na
Aku: at frustrated
Aku: basahin mo lang yung sinulat mo
Secret: ayoko na kasing maghintay ng isa pang taon to get into ust na alam ko naman hindi kaya nilang ibigay
Aku: tapos sabayan mo ng pag-imagine sa sarili mong maging doctoe
Secret: kahit alam kong pinip[iilit nila
Aku: ano ngang pangarap mo?
Aku: sabihin mo nga uli
Aku: ano ang pangarap mo
Secret: ok lang bang mag aral sa fatima?
Aku: ano muna ang pangarap mo
Secret: maging doctor
Aku: kung alam mo kung ano ang pangarap mo
Secret: magaling na doctor
Secret: gusto ko ng pediatrician
Aku: malalaman mo rin yung dapat mong gawin para abutin yun
Secret: kasi i love kids
Aku: walang hahadlang sa iyo
Secret: ok lang bang pumasok sa fatima?
BUZZ!!!
Aku: ikaw
Aku: kung yan ay nasa pangarap mo
Aku: gawin mo
Secret: gusto ko lang maging doctor
Secret: hindi naman siguro hadlang ung school na papasukan ko?
Aku: gawin mo ang dapat mong gawin para makuha ang pangarap mo
Aku: oo
Aku: kung may tyaga at sipag ka
Aku: magiging ikaw ang taong nasa pangarap mo

Reaching Dreams

March 30th, 2006 by kampuger

Dreams… Sino nga naman ang taong di mahilig managinip? Sino kaya ang taong ayaw mangarap? Ewan ko ha, pero para sa kin di ka normal kung wala kang pangarap sa buhay. Ows, ikaw wala? Maging mongoloid man ang iyong unang anak (mongoloid rule)? Tubuan ka man ng malaking nana sa ilong?

Ako? madami akong pangarap. Kaso naniniwala akong bawat pangarap ko maabot ko kung hindi ako hahakbang. Ika nga, "dreams are made of stairs, reaching it requires a first step". Aba kahit sino naman gustong maabot ang pangarap nila. Kaso karamihan, pagkatapos mabigo ng minsan, tigil na. Suko na. Anak ng tinapa. Sayang lang tuloy ang pinagpaguran nila.

Pero ako, bumagsak man ako, tatayo at tatayo ako. Kung hindi malinaw ang daan papunta sa pangarap ko, hahanap ako ng ibang daan. Basta ginusto mo, magagawa mo. Dapat nga maging parang asong ulol ka sa pag-akyat mo papunta sa mga pangarap mo. Walang makakapigil. Que si HUdas man yan o si GMA, wala akong pakialam.

Yan siguro ang isa sa mga napakahalagang natutunan ko sa simula ng 2006. Never say never and think positive. Kasi hindi mo makikita ang masayang bukas kung hindi mo sisimulan tahakin ang madilim na gabi.

Everything is falling into the right place at the right time. Aabot na ko sa unang checkpoint. At sa wakas, masasabi ko rin… "Wow! ang sarap ng ice buko!" este "Maabot ko din yan… sa wakas"

(hirap talaga pag umuulan, kung anu-ano ang pumapasok sa isip)

Having a jam-packed summer…

March 30th, 2006 by kampuger

Kung matutuloy lahat ng balak ko this summer, ito ang pinaka-busy at memorable sa lahat. Ay baket? Kasi 3 na sunod-sunod na weekends ko wala ko dito sa manila. Nandun ako sa dagat, nangungulit ng mga kabibe at nakikipagpatintero sa mga istarpis.

April 21-22 - Galera, with g-24 block. Isang reunion ng mga gwapo’t-magandang nilalang na magkakasama sa pinaka-astig na block nung 1999.

April 29-May 1 - Galera uli, with Overnight Geeks. Pero may humihirit na sa anilao na lang daw. Ay baket? Basta tuloy ito, martial law

May 6-7 - Anilao/Nasugbu, kasama ang Amorian People. Baket? Ala lang napag-usapan lang namin na maganda mag-beach pag summer.

Expected ko na magiging sing-itim na naman ako ng gabi. Hindi lang maitim kungdi tutong. Tustado. ehehehehehehe….

Tsinelas

March 20th, 2006 by kampuger

Nung panahon ko, naalala ko ang isang normal na tsinelas ay nagkakahalaga ng < Php 20. Mahal na ang Php 20 na tsinelas. Nandyan ang rambbo, spartan, ghost busters, etc. Kahit yung kikay na tsinelas, di lalagpas ng Php 20.

Kaso ngayon, ang tsinelas umaabot na ng Php 60. Mantakin mo nga naman, tsinelas na ginagamit mong pang-lakad mas mahal pa sa isang tanghalian. Ay baket? Simula ng lagyan ng elaborate design ang mga tsinelas, biglang taas ang presyo nila. Kaunting burloloy sa isang simpleng tsinelas, di baba sa P100 ang presyo.

At may sosyal na tawag sa kanya ngayon. "Flip-flops" at "Havianas".

Mas mahal pa yun kaysa sa tsinelas na nilagyan ng disenyo. Tsinelas sila na pininturahan ng kung anu-ano at malamang ang pintura ang nagpamahal dito.

Anak ng tokwa, di ka na makakalaro ng tumbang preso, di mo pa pwedeng pudpurin ang Php 500 mong bulaklaking tsinelas. Di mo na rin pwedeng pamalo sa makulit na bata dahil baka masira at masayang ang pinambili mo dito.

Di ka na rin makakagawa ng bangka gamit ang tsinelas kasi baka isaksak sa baga mo yan pag nakita ng nanay mo ang ginawa mo sa kanyang havianas

Paano na kaya ang ating mga magsasaka. Sila pa naman ang mahilig sa tsinelas. Hwag mo sabihng magsusuot sila ng tsinelas na may paru-paro.

Susme, dahil sa tsinelas sumakit ang ulo ko…

Oh no, the camera…

March 11th, 2006 by kampuger

Anak ng tipaklong… ang kaisa-isa kong digital camera ay nasira. Malamang ito ay nung nahulog siya minsan habang ako ay nanguha ng picture ng aking poseable na aso. Blag! Dun nagsimula ang kakaibang features ng aking camera.

Anong kakaibang features? Una, ang zoom hindi gumagana. Kailangan mo pang dasalan ng makailang beses bago mag-zoom ng matino. Pangalawa, kahit anong button ang pindutin mo sa navigation, babalik ka sa preview. Astig! One button does it all ika nga. Kaso hindi mo maayos ang flash etc. Lastly, ang lens cover ayaw bumukas. Kailangan ko pang mag-improvise para lang makakuha ng matinong shots.

Hay… Kawawa naman ang camera ko. Sabagay, bibili naman ako ng bago pero iba pa rin ang pinagdaanan naming 2 nung camera na yun. Sige, itatapon na lang kita sa manila bay at sana tubuan ka ng talaba para makatulong ka sa ekonomiya ng Pilipinas…

Buset…

Idol ko si Combatron

March 7th, 2006 by kampuger

Combatron
Back in the old days na uso pa ang mga Pinoy Komiks, isa lang ang superhero na sinusubaybayan ko. Siya si Combatron na nilikha ni Berlin Manalaysay. Nagsimula siya bilang isang batang gusgusin na dulot ng tadhana ay nabago ang buhay. Pinasa sa kaniya ang super armor ng isang naghihingalong space man at siya ay naging si COmbatron. Madami siyang kapangyarihan, mayroon siyang foot disk, teleported punch, eyebeams, galactic space sword at ang galactic phoenix. Sa tulong nito ay pinagtanggol niya ang mundo laban sa mga space robots na dating pinangunahan ni alchitran at ng lumaon si Omnicron. May mga sidekick din siyang aso, si Askal na namatay dahil sa isang trahedya at si dobbernaut na upgraded dog mula sa omnicron. Nakatagpo din siya ng mga alalay tulad ni Axel at Metalika.

Combatron2Honestly, ang inspiration ata ni berlin para sa komiks na ito ay si megaman. Mula sa sidekick
niyang aso at costume, talagang inspired ng game si Berlin. Anyway, kahit ganoon, isa siya sa mga gustong-gusto kong dahilan kung bakit ako nahumaling sa pagbili ng komiks noong araw. Astig ang artwork pati storyline. Naalala ko pa ngang, gigising talaga ko ng 6 am ng umaga at tatakbo papunta sa komiks stand sa may kanto para lang bumili ng funny komiks. Sadly, di natapos ang kwento ni Combatron. Katulad ng kay little ninja, nawala ang kwento ni Combatron sa funny comics. Madaming fans ang nalungkot kasi hindi na nila muling nakita ang kanilang ultimate hero na si Combatron.

Dobb
Well, isa siya sa mga dahilan kung bakit di jologs ang pinoy komiks. Siguro kung may magpapatuloy sa kaniyang kwento, talagang dudumugin ng mga fans ang kaniyang comics. Combatron, saludo kami sa iyo…

Kung nasaan ka man… Hoy bumalik ka na!

Mad Geisha

February 22nd, 2006 by kampuger

I wonder how did the geisha got that perfect white make-up. Didn’t it make them sneeze?
How bout on a long summer day? How do they look like when they sweat? These are
a few questions after I watched the "Memoirs of Geisha". I loved the book.It
pictures the life of a famous geisha in japan.

However, for the movie, uhm… It’s too idealistic. Come on, looking away from your girl with a
romantic music when you confess your feelings, that is retro-tv. Parang tuloy akong
nanood ng pinoy teledrama noong 80’s.

Great movie. Just don’t picture out Mara Clara or Agila with it