Papuntang Singapow

October 6th, 2005 by kampuger

Medyo matagal na rin pala kong di nasulat sa blog ko. Sensya na, harassed ako sa mga nakaraang linggo (ibang klase kasi maging project lead tapos production support tapos taga-timpla ng kape). Naghahabol pa ko ng mga deliverables kasi punta ko sa Singapore (wow! si-nga-pow) para sa aming functional testing. Tsk, first time kasi makakaalis ng bansa kaya kailangan kong panipisin ang aking "pending" jobs(ngayon singkapal na ng harry potter na hardbound) at ayusin ang mga documents bago umalis. Oo nga pala ala pa kaming ticket at ako din pala aasikaso nun. Siguro kung hindi mapirmahan agad yung BTTA namin, magpapa-LBC na lang kami papunta dun. Kasya naman siguro kami sa isang balikbayan box.

Pero paano pag nakalagay sa kahon ay "Abu Dhabi". Malapit na ba sa Si-nga-pow yun? May mga indian at intsik din ba dun?

Hirap din pala kasi ala na ko money. Dami kasi masyadong gastos. Tsk dami pa naman nagpapabili. Pwede naman siguro akong mag part-time gigolo dun eh. O kaya akyat bahay! astig! ultimate programmer sa umaga, gigolo/akyat-bahay sa gabi. Para tuloy akong superhero.

Wish ko lang mapirmahan na yung BTTA namin. Hay….

Ala lang… gusto ko lang i-share… baka may makiramay… ehehehehe

Photos Galore

September 22nd, 2005 by kampuger

May bago akong pinagkakaabalahan ngayon. Digital photography. Naaliw ako sa nagagawa ng digital camera tsaka ng picasa (http://www.picasa.com). Impressive. Pero iba pa rin yung kuha na hindi ginagamitan ng effects. Yung natural na kuha o “raw photo”. Makuha mo yung tamang angulo tsaka tamang ilaw ok na. Gustong-gusto ko talaga ang pagkuha ng litrato.

Number one subject ko eh nature. Gustong -gusto kong kunan ang mga puno sa umaga, magagandang beaches sa hapon at mga bulalak sa gabi. Hanggang pwede, ayokong gumamit ng flash. Mas gusto kong natural ang ilaw. Mas maganda ang kuha kasi pag alang flash. Maganda lang siguro siya kung normal na litrato. Pero para sa akin ayoko talaga.

Sample shots ko ay nasa isa ko pang blog: (http://pustieshots.blogspot.com). Sana magustuhan niyo

Pucha, tumatanda na nga ata ako at masyadong seryoso ang post ko na ito. Eheheheehe

ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehheheehe

Final Fantasy 7: Ang tunay na Final Fantasy MOvie

September 18th, 2005 by kampuger

Tsk tsk tsk… Kung makakuha kayo ng kopya ng Final Fantasy 7: The advent children, buong puso niyong ingatan. Ay baket? kase "SOBRANG GANDA"! Kahit sinong Final Fantasy  fan ay talagang mapapa-"WHOAH" at "ASTIG!" sa ganda ng movie. Walang sinabi ang "Spirits Within"  kung saan ka-dramahan lang ang umiiral.

Astig na movie!

Instant Pansit

September 10th, 2005 by kampuger

Ibang klase talaga ang saya na dulot sa kin ng instant noodles. Madaling lutuin, masarap at higit sa lahat malakas makabusog. Isipin mo nga naman na sa ilang noodles at sabaw eh pawi na ang gutom mo. Kaya dahil dito, ilalagay ko ang aking mga natutunan sa pagkain ng instant noodles. Mga learnings na sana isapuso ng bumabasa nito.

1) Pakuluan ang tubig bago ilagay ang pansit. Hwag ilagay ang pansit tapos pakuluan ang tubig kung ayaw mong maging lugaw ang noodles mo.

2) Pwede mong sahugan ang instant pansit canton. Pwedeng may hipon, baboy, manok, atay, pusit, oreo, ding-dong, rinbee. Pagpasok naman sa tyan mo nyan pare-pareho lang ang hitsura.

3) Ang yakisoba kailangang i-drain mo muna ang tubig bago mo lagyan ng flavors. Hindi siya masarap pag lumulutang ang rekado niya sa tubig.

4) Pag hindi mo maintindihan ang nakalagay sa pakete ng noodles mo, ibig sabihin imported yan. Masarap na noodles galing Korea. Parang mga tele-serye kung saan addict ka rin.

5) As usual, hindi sinisinghot ang sabaw ng instant noodles. Masakit. HUmanap ka na lang ng shabu para sa iyong bisyo.

6) Pag nakakita ka ng sili sa pakete ng hindi mo maintindihang noodles, maanghang yan. Maghanda ka ng isang coleman ng tubig bago kumain.

7) Hwag tumakbo habang may hawak na cup noodles na may mainit na tubig. Pag nakasagi at natapunan, matuto kang abutin ang pinaka-mataas na nota sa piano.

8) Pwede ring ulam ang instant noodle. Samahan mo ng kanin at solve ka na. Kaya sa birthday ng anak mo, kanin lang at isang bandehadong instant pansit ang ihain mo. lagyan mo na lang ng kandila para tipid.

9) Taun-taon lumalabas ang bagong flavor ng instant noodles. May tinola, bulalo, seafood etc. Kailan kaya lalabas ang icecream, karioka, pinapaitan at kare-kare flavor?

10) Dapat i-share mo ang iyong instant noodle sa mga kasama mong nagugutom. May kakilala ko hindi binigyan yung katabi niya nung isang araw. Ngayon ang huling araw ng lamay niya.

Sarap talaga ng instant noodles. Balang araw makakaimbento rin ako ng isang katulad nito. Pero sa ngayon kakain muna ko at sasamahan ko ng pandesal. Mamatay kayo sa inggit.

(wala kasing naiwang iluluto sa bahay kaya nagtiis ako sa instant noodles. Hay life…)

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makiramay… eheehehehe

The great guru named Dilbert

September 4th, 2005 by kampuger

Dilbert  is a cartoon created by Scott Adams about the life of a typical software company employee. It gives a strong sense of office humor especially the management. He has a dumb, uber-kupal manager, making decisions so bad or crazy, you’ll ask yourself how did he achieved such position. Then he has an adviser, dogbert, who gives wise (and nutty) advises regarding his daily routine. It is hilarious I tell you when you let his story be compared to your own office life. In my case, it really matched from the decision makers, meetings and management. Well, in some part though.

Try having a dose of this comic relief  and I assure you, you’ll never see your work the same as before. As for dilbert, continue your "almost real" job experience. You’re the man!

ehehehhehehe

UP… ang sarap mo

September 3rd, 2005 by kampuger

Masarap talagang maging taga-UP. Naranasan mo ang kalayaan sa pag-aaral. Nakita mo ang aspeto ng buhay sa iba’t-ibang lente ng kapaligiran. Nabuksan ang isip mo sa mga leksiyong kahit kailan di tinuro sa apat na sulok ng silid-aralan. Kaso dapat sabihin mo rin sa sarili mong "Tama na, paalam na sa iyo". Kasi tapos na ang karanasan mo sa Unibersidad na ito. May tuldok na ang maligayang araw mo bilang estudyante at oras na para buksan mo ang pintuan ng bukas. Swerte nga kasi sa UP mo natikman ang hagupit ng tunay na buhay, kumbaga kahit papaano nagkaroon ka ng peklat para maging handa ka paglabas mo. Oo masarap nga maging estudyante sa UP pero kailangan mo ng lumakad palayo. Baunin mo na lang ang matamis na alaala sa tahanang lumilok sa pagkatao mo. Itago mo sa puso ang ligaya at pait na pinagkatiwala niya sa iyo. Higit sa lahat, huwag mong kalimutan ang bandila ng tagumpay na nawa’y laging wumagayway kahit saan ka pumunta.

O tahan na, humayo ka na. Ipinagmamalaki ka ng UP, tandaan mo yan.  Taas ang noo at sabihin mong "Salamat sa iyo, UP…"

(para sa mga taong hanggang ngayon mahal na mahal ang dakilang unibersidad)

Alternative way of Reading…

August 30th, 2005 by kampuger

Buhat sa aking obserbasyon, ngayon ko lang napagtanto na effective itong isang uri ng pagbabasa. 2 lang ang sangkap niya na ihahalo mo sa nakagisnan mong paraan. Ito ang  (a) masakit na tyan at (b) inidoro. Bakit kamo? aba karamihan sa mga taong kilala kong nagpupunta sa CR para magjebs ay laging may dalang babasahin (dyaryo, libro, comics). Mas mabilis kasing makapickup habang jumejebs, fully concentrated ka sa ginagawa mo o kaya ayaw mong naiinip habang nilalabas ang kanilang kalbaryo sa tyan. Nakakatawa no, pero effective. Dun mo kasi makikita ang ganap na pag-iisa, sa loob ng apat na sulok ng CR at nakaupong komportable sa ibabaw ng trono.

May kakilala nga ako may dalang HISTORY book habang jebs. Hindi naman siguro gagawing pamunas nun yung  pahina nun. At mataas ang nakuha niya sa exam niya dun.

Kung mali ang sinasabi ko, tanungin mo ang sarili mo. Sa tanang ba ng buhay mo hindi mo pa nagawang magbasa habang nasa trono?

Kung madiscover ito ng DECS, eh di dadami ang demand ng inidoro sa mga paaralan. Lalakas ang  industriya ng mariwasa at dadami ang investor sa inidoro. Dadami ang trabaho sa bansa natin. Malay mo maging exporter pa tayo, taglay ang banner "Kasilyas para sa pag-asa ng bukas".

Sana bumenta ang idea kong ito.

(naiinis kasi ako sa kapatid kong nakasira ng koleksyon ko ng pugad baboy dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nagbabasa habang nagbabawas… masakit na nga tyan mo eh… )

Ala lang … gusto ko lang i-share… sana may makiramay… ehehheeh

Kamatayan sa Lubid

August 22nd, 2005 by kampuger

Tama na ang daluyong
Oras na para muling isalin
Ang serbesa ni kamatayan
Lumaya sa libo-libong
Problemang di humuhupa
Na patuloy sa puso
lalong bumibigat
Hinihila ang mga luhang
humalik sa lupa
Hanggang sa huling hibik
At pagsikip ng taling
lubos na magpapatahimik
Sa buhay mong giniba
at ubos na ang pagasa
tirik ang mata
pawi na ang hininga
paalam sa mundong
nawa’ty pumayapa

Being a geek and loving it…

August 22nd, 2005 by kampuger

Thanks to the movie last night, I finally found a long-lost  alter-ego. A piece that I thought would be forever lost in my memories. If only I could cry and scream to the reality I drifted away, I should have died by now. The puzzle piece was a pure geek image that I have abandoned since I joined my company.

I missed it really, a world which spins around books and PC, tons of "techno-ledge" and the simple happiness of making a program works. The life whom I known to be the ultimate form of solitude where I can express my hunger for knowledge without  caring for outside world. Sleepless night with cups of coffees with a vow of not a single bug would appear in our codes.

What’s cool being a geek? Well, we have the ability to be "Awed" and tinker  on new gadgets. Our thirst for knowledge will never be quenched. Ask us aboout a new gadget or queston that we don’t know and we promise to do whatever we can just to satisfy an answer.  Numbers are no problems with us. We go ga-ga when we like someone in our own unique way ("Hey do you want your P4 processor be overclocked and sync to my MSI motherboard of love"?). We don’t want physical assaults, instead we prefer to debate and mentally crush your argument.

I would become that being again I promised.  A dream I must achieve again in this lifetime.  Being the perfect geek and loving it…

Ala lang… gusto ko lang i-share… sana may makiramay…ehehehehe

A reason to celebrate

August 20th, 2005 by kampuger

If you think a monthly celebration to show how a strong bond was formed years ago are only for couples, think again. we, the it cadet batch 2, celebrated our 27th month in globe. Since June 2003, we still celebrate this event even with a busy schedule. Updating what’s currently happening to each of us and sharing the angst and joys(?) we found in our job. But above this, it is our strong friendship in which embedded us to endure the long run in globe, is the most significant reason for our celebration. Despite the achievements and lost we experienced, there is still the batch 2 cadetship that marks the start of this friendship.

Well, for this celebration, we hanged out at Doni’s place. We watched a movie (Mean Girls simply kicks ass) then shared a piece of our mind to catch up what’s currently happening. This might sound so girlalish but most of the topics pertain to lovelife. Problems about the heart that hopefully be resolved(mine’s ok na, di ba bebe?). Grabe, the booze flows as we shared our problems.

Thank God I have found friends and a true family in Globe.